Happy daw ang puso niya... IVANA: FRIENDS LANG KAMI NI MAYOR ALBEE
- BULGAR
- Feb 11, 2024
- 1 min read
ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 11, 2024

“I am currently seeing someone” paglilinaw ng actress-vlogger na si Ivana Alawi bilang sagot sa mga issue na nagli-link sa kanila ni Bacolod Mayor Albee Benitez.
Kahapon lang ay kumalat ang isang video na kuha diumano sa Japan kung saan makikitang magkasama sina Ivana at Mayor Albee.
Ang pahayag na inilabas ni Ivana sa kanyang official Facebook account kahapon, February 10, "I tried to stay quiet at dumedma na lang dahil sa paniniwala ko na hindi ako dapat magsalita lalo kapag alam ko na wala akong ginagawang masama.
“But because of the false accusations and hurtful words that are being thrown to my Mom and Mona, kinakailangan ko nang linawin ang mga bagay;” saad pa ni Ivana.
Binigyang-diin ng vlogger na “Hindi po ako ang nasasabing girlfriend ni Mayor Albee Benitez, ” dahil na-meet lang daw niya ito nang magkaroon siya ng trabaho sa Bacolod.
“He was very accomodating and friendly. At hindi lang siya ang pulitikong nakilala ko at naging kaibigan,” paglilinaw ni Ivana.
Sa kanyang statement ay binanggit niya na “I am currently seeing someone who makes me happy.” At tanging masasabi lang niya patungkol sa special someone, ito’y isang businessman at hindi siya politician.
Sinabi ni Ivana na sana, makatulong ang kanyang statement para maklaro ang kanyang pangalan at malinaw ang mga kumakalat na issue patungkol sa pag-link sa kanya kay Mayor Benitez.
Samantala, patuloy na umaani ng reaction ang kanyang statement post mula sa mga bashers at suporta naman mula sa kanyang mga fans.





Comments