Hangga’t hindi patas ang batas, hindi dapat magka-death penalty sa ‘Pinas!
- BULGAR

- Jul 30, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 30, 2020
HANGGA’T BULOK ANG JUSTICE SYSTEM, HINDI DAPAT MAGKA-DEATH PENALTY SA ‘PINAS—Dapat ikonsidera ni P-Duterte ang panawagan ng iba’t ibang sektor na ayusin muna ang justice system sa bansa bago ipatupad ang death penalty.
Sa justice system ng Pilipinas, palaging nakakalusot sa parusa ang mayayaman at may kapangyarihan.
Halimbawa, ngayong may COVID-19 pandemic, ‘pag ang mga maimpluwensiya ang lumalabag sa health protocols ay nakakalusot sa batas, pero ‘pag ang mga mahihirap, wala lang suot na face mask at walang quarantine pass, huli at kulong agad.
Kung sa simpleng kaso pa lang ay nakikita na ng publiko na may kinikilingan ang batas, sa mabigat na kaso pa kaya?
Hangga’t hindi patas ang batas, hindi pa dapat magpairal ng death penalty sa bansa kasi ang talo riyan ay ang mga mahihirap, period!
◘◘◘
DAPAT AYUSIN NG GLOBE AT SMART ANG KANILANG SERBISYO KUNG AYAW NILANG MA-TAKEOVER NG GOBYERNO—Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, posible raw mangyari ang banta ni P-Duterte na i-takeover ng gobyerno ang Globe at Smart kung hindi nila mapapabuti ang serbisyo sa publiko.
Kung ayaw ng Globe at Smart na i-takeover ng gobyerno ang kanilang mga kumpanya, dapat ayusin na nila ang pagbibigay-serbisyo sa mamamayan, boom!
◘◘◘
P-DUTERTE, HINDI MAKA-MOVE ON SA GALIT SA ABS-CBN—Sa State of the Nation Address ni P-Duterte, nakita ng publiko na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang Pangulo sa “sakit ng damdaming” idinulot sa kanya ng ABS-CBN na may kaugnayan sa political ad nuong 2016 election.
Naipasara na kasi ng kanyang gobyerno ang ABS-CBN, pero noong SONA ay kaliwa’t kanang atake pa rin ginawa niya sa pamilya Lopez na nagmamay-ari ng nasabing istasyon, period!





Comments