top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Handa sa 3 mabibigat na torneo ng 2022 ang Filipinas Booters

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 02, 2022





Ngayon pa lang ay may plano na ang Philippine Football Federation (PFF) para sa Philippine Women’s Football National Team matapos makapasok sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand. Pangunahin dito ang paglahok sa tatlong malaking torneo ngayong taon na Southeast Asian Games sa Mayo, AFF Women’s Championship sa Hulyo at Asian Games sa Setyembre.


“Ang mga kompetisyon na ito ay bahagi ng preparasyon para sa World Cup,” wika ni PFF presidente Mariano Araneta sa lingguhang Philippine Sports Association (PSA) Online Forum kahapon. Umaasa rin siya na karamihan ng manlalaro ay payagan ng mga koponan at paaralan na lumahok at mas mahalaga rin na manatili sa serbisyo si Coach Alen Stajcic na mapapaso ang kontrata sa pagtatapos ng AFC Women’s Asian Cup sa India.


Ang SEAG ay magiging batayan ng progreso ng at haharapin ang Thailand, Vietnam, at Myanmar. Ang nag-iisang tanso ng Pilipinas sa SEAG ay noong 1985 na tatlong bansa lang ang lumahok. Tinitingnan din ang Paris 2024 Olympics pero aminado siya at si PFF Secretary-General Atty. Ed Gastanes na mas mahirap pumasok sa Olimpiyada dahil tatlong kinatawan lang ang Asya. “2018 ay kumakatok na tayo sa World Cup, itinuloy lang namin ang programa,” paliwanag ni Gastanes.


Ang Pilipinas ang pinakamababang bansa sa FIFA World Ranking na maglalaro sa World Cup. Nangako ang dalawa na maghahanda ng mabuti ang team kahit mapabilang sa grupo ng defending champion Estados Unidos.


Maliban sa mga pandaigdigang torneo, ibabalik ang PFF Women’s League at age-group at grassroots program na naudlot gawa ng pandemic. Napipisil na gawing semi-pro ang liga at maraming mga sponsor ang nagpahiwatag ng interes sa gitna ng tagumpay ng national team.


Host ang Pilipinas sa AFF Women’s Championship. Hindi pa naglalaro ang mga Pinay sa Asian Games subalit umatras bago magsimula ang 1990 Beijing Asian Games at hindi na lumahok.


Sa huli, nagpasalamat ang mga opisyal ng PFF sa lahat ng sumuporta sa pambansang koponan. Asahan din na maraming magandang pangyayari ang Philippine Football sa 2022 at 2023, dagdag ni Araneta.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page