Handa ang mga pambato sa AEMC Memorial Cup
- BULGAR
- Nov 12, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 12, 2022
Malaking premyo ang nakataya sa 2022 PHILRACOM Amb. Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na ilalarga sa Nobyembre 20 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas kaya puspusan ang paghahanda ng trainers at hinete sa kanilang mga pambatong kabayo.
Kabilang sa mga nominadong sasabak sa nasabing prestihiyosong karera para sa mga dekalidad na kabayo ay si Righteous Ruby.
May distansyang 2,000 meter race, ang ibang nagsaad ng paglahok ay sina American Factor, Bombay Knights, Dragon Butterfly, Gomper Girl, Raintree Starlet, Runway, Runway Dreamer, Shastaloo, Starinmydreams at Time For Glory.
Nakalaan ang P5-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta kaya paniguradong maghahanda ng todo ang mga kalahok.
Alam ng mga karerista ang husay ni Righteous Ruby na sasakyan ni jockey MM Gonzales kaya maalamang na siya ang maging liyamado sa laban sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hahamigin ng second placer ang P1M, P500,000 ang ibubulsa ng third habang tig-P250,00, P150,000 at P100,000 ang 4th, 5th at 6th ayon sa pagkakasunod.
Magbubulsa ang breeder ng local horses lang na P250,000 sa 1st, P150,000 sa 2nd at P100,000 sa third. Ayon sa ibang karerista, inaabangan na nila ang opisyal na line-up upang mapag-aralan na agad kung sino ang kanilang tatayaan pagdating ng araw ng karera.





Comments