top of page
BULGARY - ROMMEL, APRUB SA BANAT KAY ANGEL, NA-REAL TALK DAW-FB ROMMEL PADILLA.jpg

Hamon ni Cayetano kay Matibag: Imbestigahan mo SEA Games, kami sa flood control

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | July 17, 2026



Alan Peter Cayetano - Senate of the Philippines

Photo: Senate PH



HInamon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang Malacañang na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games, kasabay ng pahayag na handa rin silang imbestigahan ang flood control project ng gobyerno.


Sa kanyang Facebook live, sinabi ni Cayetano na wala siyang kinatatakutan sa anumang imbestigasyon at nananawagan siya ng isang “all-out investigation” upang lumabas ang buong katotohanan.


"Ito ang proposal natin sa NBI, sa Malacañang, at saka sa DOJ — imbestigahan n’yo ‘yung Southeast Asian Games of 2019, kung saan tayo nag-overall champion at tiningala ng buong

Southeast Asia, imbestigahan n’yo nang husto, bigay niyo lahat.


"We will support totally.... tapos, ako naman, sampu ng aming mga kasama na ngayon ay nasa minority, imbestigahan naman namin ang flood control. Ano? Deal?" hamon ni Cayetano.


Idinagdag niya na ang Senate Blue Ribbon Committee ay maaaring magsagawa ng pagdinig habang nagpapatuloy ang impeachment trial, upang masuri rin ang iba pang isyung may kinalaman sa paggamit ng pondo ng gobyerno.


Nauna nang sinabi ni Cayetano na wala siyang kinalaman sa mga infrastructure projects ng 2019 SEA Games at iginiit niyang handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon upang linawin ang mga alegasyon. 


Samantala, wala pang tugon ang Palasyo sa pinakahuling hamon ng senador. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page