top of page
Pokwang.jpg

Hamon kina Duque at Galvez: Mauna sa COVID-19 vaccine

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2020
1 min read

@Editorial | December 7, 2020



Matapos ang anunsiyo mula sa ibang bansa na may bakuna na kontra COVID-19 at aarangkada na ang mass vaccination, puspusan na rin sa paghahanda ang ating gobyerno.


Kaugnay nito, hinamon ni Sen. Bong Go, chairman ng Senate health and demography committee, sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Presidential Adviser Carlito Galvez na unang magpaturok ng COVID vaccine sa sandaling maging available na ito sa publiko.


Kailangang mapawi ang pangamba ng mamamayan hinggil sa kaligtasan ng naturang bakuna at mabuo ang kanilang tiwala sa bisa nito. Abangan na lang kung kakasa ang dalawang opisyal sa challenge na ito.


Samantala, bagama’t, hinahamon ng mambabatas na mauna ang mga namamahala sa bakuna, hindi aniya dapat magbabago ang listahan ng mga dapat na maging prayoridad — mahihirap, maysakit, senior citizens at mga frontliners. Higit sa lahat, dapat libre!


Ang pakiusap naman sa mga concerned agencies, tiyaking handa na ang national vaccine roadmap para sa isang sistematikong distribusyon ng bakuna, sa sandaling matiyak na safe at effective ito. Kailangan ding bukas ang komunikasyon ng bawat ahensiya at maging sa publiko upang maiwasan ang gulo.


Kung magiging handa ang lahat mula sa mga taga-gobyerno, publiko hanggang sa mga pribadong sektor na handang umalalay sa proseso, tiyak na magiging magaan ang pagpasok ng 2021. Tulad ng palagi nating sinasabi, ang bakuna kontra COVID-19 ay simbolo rin ng pag-asa, bagama’t hindi na mawawala ang virus, ang mahalaga ay may laban na tayo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page