top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Hamon kay Sen. Robin, kontratistang Partylist Rep., pangalanan

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 30, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 30, 2023


AYUDA SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA P1B LANG, PANG-AROUND THE WORLD NI P-BBM P1.4B -- Sa 2024 national budget, may nakatala rito na P1 billion fuel subsidy o ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda, at may nakatala rin na P1.4 billion travel fund para sa foreign trips ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM).


Dito lang ay kita nang walang malasakit sa mga magsasaka at mangingisda ang Marcos administration, kasi mantakin n’yo, mas malaki pa ang badyet sa pag-around the world ni P-BBM kaysa ayuda sa mga magsasaka at mangingisda, buset!


◘◘◘


P1-B LANG PINAGPARTE-PARTEHAN NG MILYUN-MILYONG MAGSASAKA AT MANGINGISDA, AT P544-B NAMAN PINAGPARTE-PARTEHAN NG MGA TRAPO -- Last year ay P1 billion din lang ang inilaang fuel subsidy ng Marcos admin sa mga magsasaka at mangingisda para ngayong taon (year 2023), at sa panahon na ‘yan ay natuklasan ni Senate Minority Leader, Sen. Koko Pimentel na sa 2023 national budget ay may higit P544 billion na lump sum ang nakasingit sa budget ng Dept. of Public Works and Highways (DPWH), na ang duda ng senador, ang halagang ito ay para sa pork barrel ng mga pro-Marcos-Duterte senators and congressmen.


Agrabyado talaga ang mamamayan sa mga traditional politicians (trapo) kasi mantakin n’yo, ang pagpaparte-partehan ng milyun-milyong magsasaka at mangingisda para sa kanilang fuel subsidy ay P1-B lang, tapos ang pagpaparte-partehan ng higit 300 pork barrel politicians ay P544-B, tsk!


◘◘◘


MGA KONTRATISTANG PARTYLIST REP. DAPAT PANGALANAN NI SEN. PADILLA -- Noong August 7, 2023 ay ibinulgar ni Sen. Robin Padilla na karamihan daw sa mga nagwaging nominado sa mga partylist ay mga kontratista raw.


Sana pangalanan ni Sen. Padilla ang mga kontratistang ito na partylist representatives sa Kongreso para sa 2025 election ay ibasura na sila ng mga botanteng Pinoy, boom!


◘◘◘


DAPAT ISAMA SA KASO SINA EX-P-DUTERTE, FRANCISCO DUQUE AT MICHAEL YANG -- Ayon kay Sen. Richard Gordon ay dapat daw isama ng Ombudsman sa kailangang sampahan ng kasong graft o plunder sa Sandiganbayan sina ex-P-Duterte, former Sec. Francisco Duque ng Dept. of Health (DOH) at ang best friend ni ex-P-Duterte na si Chinese national Michael Yang kasi kasangkot daw ang mga ito sa isinagawa ng Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM) at Pharmally Pharmaceutical na pang-i-scam sa kaban ng bayan.


May punto si Gordon sa sinabi niyang ito, kasi inamin ni ex-P-Duterte na siya ang nag-utos kay ex-Sec. Duque na ibigay kay ex-PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao ang P42-B DOH fund, na ang ginawa naman ni Lao ay kinontrata ang Pharmally na may koneksyon kay Michael Yang sa pagbili ng mga overpriced medical supplies sa panahon ng COVID-19 pandemic, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page