top of page
Search
  • BULGAR

Halos wala nang tulog… JOSHUA, UMAMING NAADIK SA 'BISYO', BUMAGSAK ANG KATAWAN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 17, 2020




Sa mga bagong larawang kuha kay Joshua Garcia, kapansin-pansing malaki ang ibinagsak ng katawan ng aktor nitong kasagsagan ng lockdown dahil sa pandemya.


Subali't bago pag-isipan ng masama si Joshua na kesyo may bisyo o anuman, unang ibinahagi ng aktor na ang sobra nitong pagpayat ay dahil sa pagkaadik sa gaming na Trivia, na siyang nauuso ngayon sa online. Pinagpupuyatan daw nito ang paglalaro hanggang sa mapansing bumabagsak na ang kanyang pangangatawan.


Ayon pa sa aktor, madalas siyang nagpupuyat at halos lahat ng kanyang oras ay sa pagti-Trivia napupunta, Halos three days straight siyang nagbababad sa gaming na ito without sleeping at showering.


Sa naging panayam sa aktor ng Cinema News At Home Edition with Bianca Gonzalez nitong nakaraang buwan, ikinuwento nito ang pagkaadik sa gaming.


Sey ng aktor, "Nu'ng first lockdown, first month, inaabot ako nang umaga kaka-computer."


At nitong Mayo, kapansin-pansin ang kanyang pangangayayat.


Paliwanag nito, hindi lamang daw sa pagpupuyat sa gaming ang dahilan kaya bumagsak ang kanyang katawan, idagdag pa raw ang sobra niyang workout at exercise.


"Nag-cardio-cardio exercise. Nasobrahan nga ako.


"Kung mapapansin n'yo, may pictures ako sa [Instagram], sobrang payat ko tingnan. Nasobrahan ako sa cardio, wala akong weights.


"Nag-jog ako sa village, takbo nang takbo. Nasobrahan, sobrang payat ko. Iniinom ko na vitamins, may something about sa metabolism. Ang lala ng payat ko," paliwanag ng aktor.


Paalala ng mga eksperto sa mga gumagawa ng cardio exercises for more than an hour every day, dapat limitahan ang "low-intensity cardio" to three days a week and "do strength activities to preserve what muscle you already have and promote the growth of new muscle."


Bukod sa pag-e-exercise, naglaan ng oras si Joshua on book reading ngayong lockdown at walang trabaho ang gaya niyang artista.


"Nagsimula akong magbasa-basa ng libro, tinapos ko 'yung about sa Broken, poem siya. Natapos ko na rin ang Secret Life of Introverts. Natapos ko rin 'yung The Creative Curve."


Patuloy pa rin daw ang pagbabasa nito ng mga libro. "Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before, 'di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin ang non-fiction. Binabasa ko, You're A Bad Ass.


"Gino-goal ko ngayon sa isang araw para maging productive lang ako, at least, maka-40-50 pages ako. 'Yun ang goal ko."


Para kay Joshua, malaking tulong ang pagbabasa ng libro sa kanyang professional and personal growth.


"Pinapaalala ko sa sarili ko, hindi ako nag-aaral. Feeling ko 'pag nagbasa-basa ako, nakakatulong sa work ko, mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakakatulong naman."


Ang kanyang ex-gf daw na si Julia Barretto ang nag-influence sa kanya upang maging palabasa at bumili ng mga babasahin sa mga bookstores.


"Noong kami pa ni Julia dati, nagpupunta kami sa mga stores ng libro, namimili ng mga libro. Pero 'di ko binabasa, bili lang ako nang bili. 'Yung hilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa nanay ko, 'yung hindi pagbasa ng libro, sa tatay ko.


"Ang dami kong binili before. Kinuha ng Mama ko 'yung iba. 'Yung natira, kaunti na lang."


At dahil nauuso na ang vlogging, napag-isip-isip ng aktor na gumawa rin ng sariling vlog.


"Pini-film ko ang lahat ng nangyayari sa akin araw-araw. Plano kong pumasok sa YouTube, sa vlogging. Gusto ko mag-vlog.


"Nu'ng quarantine, ang dami kong pinapanood na YouTube videos, mga vloggers. Natutuwa ako kasi nae-enjoy nila ang buhay nila. Parang ginagawa nilang diary 'yung YouTube. Social media platform din siya like Instagram.


"Nakita ko, sabi ko, 'Bakit 'di ko i-try ito?' Pini-film ko ang ginagawa ko every day, kino-compile 'yung mga masasayang part. Sa nangyayari sa akin ngayon, inaaral ko pa mag-edit. Naghahanap pa ako saan makakahanap ng music na walang bayad. Medyo pinag-aaralan ko pa," aniya na baka ngayong buwan daw niya ito umpisahan.


"Baka ngayong September makapag-upload na ako. May plano na ako na kumuha ng isang editor. My plan kasi is to upload two videos sa isang linggo.


"Parang gusto kong tahakin ang entertainment na comedy," pagtatapos pa ng aktor.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page