top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Halos 327 ang nagsumite ng aplikasyon sa WNBL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2020
  • 1 min read

ni Anthony Servinio - @Sports | September 9, 2020




Tinatayang 327 na ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa pinakaunang Rookie Draft ng Women’s National Basketball League (WNBL), ang unang ligang propesyonal ng kababaihan ng Oktubre. Hindi nagtatapos doon at may ilang inaabangan pang mga matutunog na pangalan na hahabol bago magsara ito.

“Nagulat kami sa dami at may mga manlalaro na matagal nang retirado ang biglang gustong maglaro muli,” wika ni Rhose Montreal ng WNBL sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum. “Bukas ang WNBL sa lahat ng Filipina basta kaya pa nila maglaro.”

Para sa unang taon ng WNBL, planong kunin ang 10 hanggang 12 koponan. Sa ngayon, may 17 na aplikante para sa mga prangkisa kaya nagbuo ang liga ng komite para salain at suriin ang mga ito. “To all female ballers, this is our dream come to life and our chance to showcase our talents,” wika ni Lady Gilas guard at WNBL Ambassador Bea Daez-Fabros. Tinitingnan ni Fabros kung maglalaro siya dahil kapapanganak lang niya ngayong taon sa kanyang panganay.

Lahat ng mga aplikante ay kailangang dumaan sa isang draft combine o pinag-isang ensayo para matingnan ng mga coach bago ang mismong draft sa Oktubre. Tinitiyak na ang ensayo ay sang-ayon sa mga health protocol na inihanda ng Games and Amusements Board (GAB).

Nakatakda para sa ikatlong linggo ng Enero, 2021 ang simula ng bagong taon ng WNBL. Maglalaro ito ng dalawang conference at ang mga kampeon ay kakatawanin ang Pilipinas sa torneo sa ibayong dagat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page