top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Halos 100 LSI, natulog sa Quirino Grand Stand

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 6, 2020




Halos 100 locally stranded individual (LSI) ang nagpalipas ng gabi at natulog sa Quirino Grand Stand sa Rizal Park sa Manila.


Ilan sa kanila ang naiwan ng bus na mula sa Hatid Tulong Program ng gobyerno. Habang ang iba ay naiwan ng barko sa Manila North Harbor Pier.


Sinabi ng Philippine Coast Guard na dadalhin ang mga LSI sa Philippine Army headquarters.


Sa nakalipas na araw, halos 3,000 LSI na ang nahatid sa kani-kanilang probinsiya gamit ang bus ng Hatid Tulong Program. Samantala, suspendido pa rin ang biyahe papuntang Visayas matapos tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19.


Ngayong araw, magkakaroon ng special flight papuntang Batanes para maiuwi ang 20 LSI. Sinabi ng pamahalaan na naghahanda na rin sila ng biyahe papuntang Caraga para sa 1,200 LSI sa July 12 o 17.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page