Halikan in public, nag-viral… SIGAW NG NETIZEN: GERALD, MAGSASAWA RIN KAY JULIA!
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 21, 2023

Kasama ni Gerald Anderson ang girlfriend na si Julia Barretto noong nagpunta siya sa Malaysia bilang isa sa mga awardees para sa All-AsiaBasket Tournament na ginanap a few days ago.
Pero, bago ang awarding rites ay nanood muna ng basketball ang mag-sweetheart.
Sa caption na mula sa @hoopjunkie, "JUST IN: @juliabarretto and @andersongeraldjr are in Malaysia watching the Asia Basketball International Tournament!!
"Gerald Anderson will be one of the awardees (All-Asia Basketball Tournament 2nd Team) in the awarding ceremony later tonight."
Sa larawang lumabas sa social media, makikitang nakaupo sina Gerald at Julia katabi ang iba pang audience nang tumapat sa kanila ang "Kiss Cam" kung saan kinakailangan ng mga magdyowa na mag-kiss sa harapan ng kamera.
Reaksiyon ng ilang netizens, "So sweet! Mukhang nagtino na si Gerald, close na siya sa angkan ni Julia. Ang laki ng ipinagbago niya, naging business-minded na rin siya at pinaghahandaan na talaga ang future."
"Luh! Matagal na pong madaming business si Gerald, baka baligtad at si Julia ang naging business-minded."
"Very close-knit kasi ang family ni Marjorie and kids."
"Sa una lang 'yan, kasi kailangan may mapatunayan. Maghintay lang kayo at magsasawa rin 'yan!" pa-bitter namang komento ng isang netizen.





Comments