top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Hahabulin sina Sen. Loren at Zaldy Co... Remulla brothers, pupuntang France

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 9, 2026



Jonvic at Boying Remull, Loren Legarda at Zaldy Co - FB

Photo: Jonvic at Boying Remulla, Loren Legarda at Zaldy Co - FB



Nakatakdang bumiyahe sa France sina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon kaugnay ng paghahanap kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.


Kinumpirma ni Jonvic ang kanilang biyahe bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang matunton at mapaharap sa batas si Co,

na may kasong plunder kaugnay ng umano’y mga iregularidad sa flood control projects.


Tutungo si Jonvic sa Lyon upang i-follow up ang kahilingan para sa pagpapalabas ng Interpol Red Notice laban kay Co.


Layunin nitong makatulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ng dating kongresista at sa posibleng pag-aresto sa kanya, alinsunod sa mga umiiral na proseso.


Samantala, makikipagpulong naman si Boying sa mga opisyal ng France, kabilang ang mga kinatawan ng Justice Ministry sa Paris.


Batay sa kanilang impormasyon, kasalukuyang nasa France sina Co at Senador Loren Legarda.


Ayon kay Remulla, nais niyang iparating sa mga awtoridad sa France na hindi magandang reputasyon para sa isang bansa ang maituring na “hiding place” ng ill-gotten wealth.


Dagdag pa ng Ombudsmana, determinado ang pamahalaan na habulin ang mga indibidwal na lumalabag sa batas saanman sila magtungo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page