Hacking sa ‘Pinas mai-stop daw, ‘pag nagka-P300M confi fund ang DICT
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 18, 2023
PINUTAKTI NG BATIKOS SI P-BBM KASI PINEPERSONAL NIYA ANG ANIBERSARYO NG PEOPLE POWER REVOLUTION -- Pinutakti ng batikos ng mga “Dilawan” at “Kakampink” si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) dahil hindi nito isinama bilang holiday ang February 25 next year na may kaugnayan sa EDSA People Power noong Feb. 25, 1986.
Sa totoo lang, mababatikos talaga si P-BBM kasi ang hindi niya pagsama next year na holiday ang Feb. 25 ay lumalabas na pinepersonal niya ang anibersaryo ng People Power Revolution, period!
◘◘◘
DAPAT MAG-USAP NANG MAAYOS ANG GOBYERNO AT TRANSPORT GROUP PARA HINDI NAPEPERHUWISYO ANG MGA PASAHERO -- Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ay sablay daw ang tigil-pasada ng Manibela Transport Organization, pero ayon naman sa Manibela ay tagumpay.
Sablay man o hindi, ang dapat gawin ng gobyerno at transport organization ay mag-usap nang maayos tungkol sa isyu ng traditional jeepney phase out para hindi napeperhuwisyo ang mga pasahero, boom!
◘◘◘
SIGURADO NA NGA KAYA NA MATITIGIL NA ANG HACKING SA ‘PINAS KAPAG NAGKA-P300M CONFI FUND ANG DICT? -- Sigurado nga kaya na matitigil na ang hacking sa Pilipinas kapag nabigyan na ng P300 million confi fund ang Dept. of Information and Communication Technology (DICT)?
Baka kasi tulad din ‘yan sa ibinida ng National Telecommunication Commission (NTC) noon, na sa batas na SIM Registration Act ay matitigil na raw ang scam sa cellphone, ‘yun pala ay hindi rin, dahil marami pa ring scammers, tsk!
◘◘◘
MGA MAAASAHAN SA BARANGAY ANG IBOTO AT HINDI ‘YUNG MGA AASA SA BARANGAY -- Bukas ay umpisa na ng kampanya ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sana, ang iboto ng mga botante ay mga kandidatong maaasahan nila sa kanilang mga barangay, at hindi ‘yung mga kandidatong aasa lang sa barangay, boom!
a





Comments