Habang nasa CR sila ng bahay… BUKING SA VIDEO: DEREK, “LOVE” ANG TAWAG KAY ELLEN
- BULGAR

- Mar 1, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 1, 2021

“Love” pala ang tawagan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna at narinig ito ng mga nakapanood sa video nilang dalawa habang nasa restroom ng bahay ng hunk actor at inaayos kung saan ilalagay ang electric toothbrush.
Sa video, narinig si Derek na sinabihan si Ellen ng “You wanna try this one, Love?”
Nag-good morning pa si Derek sa mga followers niya sa video. Ibig sabihin, maagang pumunta si Ellen sa bahay ni Derek at baka sabay silang nag-breakfast.
Magagawa nilang magsabay tuwing breakfast, lunch at dinner kahit araw-araw pa dahil neighbors sila.
Anyway, may nag-comment ng “Andrea left the group” na sinagot ni Derek ng “Don’t be like that pls.?” bilang pagtatanggol sa kanyang ex-girlfriend na si Andrea Torres.
Samantala, ‘kaaliw naman ang inilabas na montage ng photos nina Derek, Ellen, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.
Ang caption nito ay: “Sabi nga, ang buhay ay gulong, umiikot lang,” dahil nga naging GF ni John Lloyd sina Angelica at Ellen, ex din ni Derek si Angelica at current GF niya si Ellen.





Comments