ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 12, 2024
Nakakaloka ang nangyari kay Alex Gonzaga nang magpunta sila ng mister na si Mikee Morada sa Ormoc kamakailan para sa guesting ng mag-asawang Cong. Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez sa vlog ng younger sister ni Toni Gonzaga.
Kitang-kita sa video clip na in-upload ni Alex sa kanyang Instagram account kung paano dinakma ng isang fan ang kanyang boobey (read: boobs) habang naglalakad sila ng mister at nasa gilid ang mga fans na umaabot ng kanilang kamay para makamayan ang mag-asawa.
Pero imbes seryosohin ang pagdakma sa kanyang hinaharap, kinomedya na lang ito ni Alex at inilagay ngang caption ng kanyang IG post: "The story of my life as a flat girl."
Naglagay din siya ng text sa video clip na ganito ang nakasaad: "'Kala ni ate, asawa ko nadibdiban n'ya, tumili pa, eh! Akin 'yung nilapirot mo, 'teh!"
Hahahaha! Baliw-baliwan talaga 'tong si Alex, eh. Kung sa iba 'yan, baka nagtaray at isinumbong na sa mga bodyguards niya 'yung nandakma sa boobey niya.
So, next time, baka naka-body wrap na ng foam si Alex, hahaha!
Inuulan daw ng offers…
ARA, PINATATAKBONG CONG.
Main kontrabida ang role ni Ara Mina sa bagong TV5 morning serye na pinagbibidahan ni Miles Ocampo, ang Padyak Princess na nagsimula nang umere nu'ng Lunes (June 10) at 11:15 AM bago mag-Eat… Bulaga!.
Pero pa-sweet na kontrabida pa rin naman daw ang gagawin ni Ara dahil in real life, talaga namang pa-sweet lang ang magaling na aktres-entrepreneur at darling of the press nga rin.
Bukod sa pagiging aktres-TV host, may mga negosyo rin si Ara tulad ng kanyang Hazelberry Café na may ilang branches na, lipstick line at ang latest ngang ini-launch nila ng kanyang mister na si Dave Almarinez ay ang Peekup na go-to-ride-hailing app.
Kaya tinanong namin siya kung paano pa niya nabibigyan ng time ang family niya kung ganyang sobrang busy siya.
Ani Ara, kapag nasa school ang anak niya tuwing weekdays at nasa opisina naman si Dave, du'n niya isinasabay ang pagtanggap ng TV projects, tapings, etc..
Pero tinitiyak daw niya na 'pag weekend, family bonding talaga sila para magkaroon ng quality time.
Samantala, tinanong na rin namin si Ara Mina kung true ba na tatakbo siya sa next year's election at 'di naman nag-deny ang aktres.
"Maraming offer pero nasa stage kami ng contemplating dahil maraming dumarating na work, baka wala na akong paglagyan. So, marami kang puwedeng i-sacrifice, eh, 'yung trabaho ko rin, kailangan kong i-disregard if I will run."
Dagdag pa niya, wala pa talaga siyang final decision ngayon.
"'Di ko masabi, eh, pero marami talagang tao na gusto akong patakbuhin," aniya.
Ayaw aminin ni Ara kung saang posisyon siya nililigawan pero may nakapagtsika sa amin na kinukuha siya para maging partylist representative.
So, aalamin namin kay Ara ang update about d'yan kapag nakatsikahan uli namin siya.
Samantala, matutuloy na pala ang na-postpone na 30th anniversary concert ni Ara Mina sa July 11 sa Newport Performing Arts Theater titled All of Me.
MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.
Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7 sa Ceremonial Hall ng Newport World Resorts, Pasay City.
Mapapanood naman ang delayed telecast ng Gabi ng Parangal sa ALLTV sa July 14, 10 PM.
Ito'y muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirek sa ika-6 na edisyon ng The EDDYS nu'ng nagdaang taon.
Ang Brightlight Productions ang magsisilbing line producer ng awards night sa July 7, 2024.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.
Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, sina Cong. Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.
Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2023.
Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.
Una na nga riyan ang Posthumous Award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.
Ang Movie Icon Awards naman ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon at patuloy na paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Pilipino.
Ang ilan pa sa mga special awards na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay-inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year.
Bilang pagkilala naman sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa Gabi ng Parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Igagawad ito kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.
Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheets, top tabloid newspapers at online portals sa Pilipinas kung saan kabilang ang inyong lingkod ay mula sa pangunguna ng aming presidente na si Salve Asis.
Kommentare