top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Habang naghihirap daw ang mga nasasakupan…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 20, 2020
2 min read

ANGEL, IBINUKING ANG CONG. NG ISABELA NA NAG-POST NG FERRARI

Julie Bonifacio - @Winner | November 20, 2020




Matapang ang komento ni Angel Locsin sa Instagram post ng Kapamilya weather man na si Kim Atienza o mas kilala bilang si Kuya Kim noong Martes.


Ipinost ni Kuya Kim ang video ng interview ng ANC (ABS-CBN News Channel) anchor na si Christian Esguerra kay Isabela Governor Rodito Albano sa kanyang Instagram account.


Part ng interbyu ang usapin sa napakalaking pinsala ng bagyong Ulysses sa Isabela at ang panghihinayang ng gobernador sa malaking tulong sana ng ABS-CBN News sa pagpaparating ng impormasyon sa kanyang mga kababayan.


Idinaan na lang sa tawa ni Governor Albano ang kanyang sumunod na pahayag matapos i-remind sa kanya ni Christian na kaya walang crew mula sa ABS-CBN para mag-cover ng mga nangyari sa bayang nasasakupan niya ay dahil wala na ang regional office ng Kapamilya Network sa Isabela.


"Alam n'yo naman nangyari, Governor. 'Di ba, you're asking, 'Sana, may crew diyan?' I suppose you were referring to ABS-CBN. Eh, hindi ibinigay 'yung franchise, eh. Naisara 'yung regional station, so, paano iko-cover 'yung nangyari d'yan?" parunggit ni Christian kay Gov. Albano.


Kasunod ang malakas na tawa ng gobernador.


Sumundot ulit si Christian ng tanong sa kanya, "Alam ninyo naman 'yun, 'di ba? How could you forget that?"


Bigla na namang tumawa nang malakas si Gov. Albano, "Oo nga, pero, still..."


Isa ang kapatid ni Gov. Albano na si Isabela First District Representative Antonio Albano sa 70 kongresistang 'di bumoto na bigyan muli ng panibagong franchise ang ABS-CBN.


Plus, may apat na Isabela representatives ang hindi rin bumoto sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Sila ay sina Ian Paul Dy (3rd District), Alyssa Sheena Tan (4th District), Faustino Michael Dy (5th District) at Faustino Dy (6th District).


Malaman ang caption na inilagay ni Kuya Kim sa kanyang ipinost na interbyu kay Gov. Albano, "Bakit daw walang ABS crew sa Isabela... Natawa si gov. Natawa din ako."


Sa comment section, makikita ang reaksiyon ni Angel sa video ng interbyu ni Christian kay Governor Albano.


"Ask the 5 lawmakers of Isabela. 'Yung isa, nakuha pang mag-post ng Ferrari niya sa Tagaytay habang naghihirap ang mga bumoto sa kanya," sabi ni Angel.


Napa-"haaaay" na lang ang isa pang ANC anchor na si Karen Davila bilang reply sa sinabi ni Angel.


Nag-comment din si Ricci Chan sa post ni Kuya Kim.


"Buti siya, natawa lang, Kim. Eh, 'yung mga constituents niya sa probinsiya niya, nakakatawa pa kaya sa desisyon nila?"


Nag-reply si Kuya Kim sa comment ni Ricci, "Bakit daw walang ABS crew sa Isabela :)"


Reply ni Ricci, "Tanong kaya niya sa kapatid niya - Saka 'yung barkada nilang 69 pang mga hayop!"


Comment naman ni Karen Davila, "Knowing him, he probably literally forgot that his brother voted against the ABS-CBN franchise renewal. Which now really proves my point- I really BELIEVE - the 70 congressmen don't know what they did to their constituents, the country and our democratic landscape. The Filipino people deserve better."


Nag-comment din ang ibang celebrities sa IG post ni Kuya Kim gaya ng isa sa It's Showtime hosts na si Jugs Jugueta, maging sina Isabelle Daza and Iza Calzado.

"How can you forget that?" post ni Iza.


"I don't know what's funny," sabi naman ni Isabelle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page