Habang nag-iinuman... 'Mister', pinagsasaksak ni 'misis'
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
by Benjamin Chavez @News | September 1, 2026

Photo: File / PNP Victoria Municipal Police Station - FB / Rep
Arestado ang 48-anyos na babaeng vendor matapos umanong saksakin nang ilang beses ang kanyang kinakasama habang nag-iinuman sa Brgy. San Francisco, Victoria, Laguna.
Ayon sa pulisya, nauwi sa pagtatalo ang inuman bago pinagsasaksak ng suspek na si alyas Nora ang 49-anyos na biktimang si “Estelito.”
Isinugod ang biktima sa ospital at nasa maayos nang kondisyon.
Dinala naman ang suspek sa Victoria Municipal Police Station. Ayaw na umanong magsampa ng reklamo ng biktima laban sa kanya.





Comments