top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Habang maraming nagugutom na Pinoy… Suweldo ng appointees ni P-Duterte, umaabot ng milyones?!

BULGAR
Jun 22, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 22, 2022


MONTHLY SALARY NI BENJAMIN DIOKNO, MAHIGIT P1.8-M?–Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) ang naglalakihang buwanang suweldo at allowances ng mga appointee ni P-Duterte sa pamahalaan.


At ang may pinakamalaking suweldo ay si outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno, na sa buong 2021 ay nakatanggap ito ng P22.02 milyon, na kung idi-divide sa 12 months, lumalabas na ang buwanang natatanggap na suweldo at allowance niya ay higit P1.8-M.


‘Yan ang malungkot na nangyayari sa Pilipinas, habang patuloy na dumarami ang mga naghihirap at nagugutom na Pinoy, busog na busog naman ang mga appointee at pamilya ng mga tauhan ni P-Duterte, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


‘BUWENAS’ NI BENJAMIN DIOKNO SA DUTERTE GOV’T, ABOT HANGGANG SA GOBYERNO NI P-BBM–Sa pagtatapos ng termino ni P-Duterte sa June 30, 2022, bababa na rin sa puwesto si BSP Gov. Benjamin Diokno, pero hindi riyan nagtatapos ang kanyang career kasi kinuha naman siya ni Pres.-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang finance secretary ng kanyang administrasyon.


Napakasuwerte naman ni Benjamin Diokno, mantakin n’yo, ‘yung tinamo niyang ‘buwenas’ sa gobyerno ni P-Duterte ay tumagos hanggang sa paparating na gobyerno ni P-BBM, boom!


◘◘◘


ANG OA NAMAN NINA GEN. DANAO AT GEN. CENTINO SA DAMI NG PULIS AT SUNDALO NA IKINALAT SA INAGURASYON NI VP-ELECT SARA–Mahigit 4,000 pulis at sundalo pala ang ikinalat sa buong Davao City sa idinaos na inagurasyon ni Vice-Pres-elect Sara Duterte.


Aba’t masyado naman palang OA sina Philippine National Police-Officer-in-Charge (OIC) Gen. Vicente Danao at Armed Forces of the Philippines Chief, Gen. Andres Centeno sa dami ng pulis at sundalo na ipinakalat nila sa inagurasyon ni Sara sa Davao City, period!


◘◘◘


KAPAG HINDI SINUPORTAHAN NG GOBYERNO ANG SEKYU, BAKA MAKIPAG-AREGLO NA LANG ITO SA RICH NA NANAGASA SA KANYA–Kung kaisa ang gobyerno sa nagnanais na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng sekyu na sinagasaan ng rich na si Jose Antonio San Vicente, kung nais ng pamahalaan na maipakulong ito, dapat magbigay sila ng financial support sa guwardiya kasi hindi na ito makakapaghanapbuhay at malaki rin ang gastusin sa kanyang patuloy na pagpapagamot.


Kung hindi bibigyan ng financial support ang sekyu sa kanyang laban kay San Vicente, malamang ay mauuwi ito sa aregluhan, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page