top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Habal-habal driver, kulong sa P6.8M shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 6
1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 6, 2026



Habal-habal driver, kulong sa P6.8M shabu

Photo: File



Arestado ang 25-anyos na habal-habal driver makaraang maaresto sa isang buy-bust operation nitong Martes, Agosto 4, sa Brgy. Guadalupe, Cebu City.


Kinilala ni Philippine Drug Enforcement  Agency Region 7 Director Joel Plaza ang suspect na si alyas Ryan.


Nasamsam sa suspek ang 40 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng halos isang kilo na may street value na P6.8 milyon.


Bago nahuli ang suspek ay isinailalim ito ng mga awtoridad sa anim na linggong pagmamanman matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot ito sa pagbebenta ng ilegal na droga.


May kakayahan umano ang suspek na makapagbenta ng isang kilo ng shabu kada linggo.


Nabatid ng PDEA 7 na naaresto na si “Ryan” sa kahalintulad na kaso noong 2023 at muling binalikan ang ilegal na trabaho matapos makalabas sa kulungan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page