Gyms, internet shops, review centers, papayagang magbukas simula August 1
- BULGAR

- Jul 29, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 29, 2020

Papayagan nang magbukas ang maraming establisimyento sa mga lugar ng general community quarantine simula August 1, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon ng ahensiya, na unti-unting magbukas ang mga review centers, gyms at internet shops ng hanggang 30 percent capacity simula sa Sabado.
Pinayagan na ang mga internet shops na magbukas upang magamit ng mga estudyante para sa kanilang online access na pag-aaral sa gagawin ng DepEd na blended o distance learning.
Sa review centers, maaaring magserbisyo ng hanggang 10 katao lamang sa isang kwarto. Ipapatupad din dito ang minimum health standards kasama na ang pagsusuot ng face masks, higit isang metrong distansiya sa pagitan ng mga upuan at madalas na sanitation ng mga kwarto.
Sa personal grooming services, aesthetic services, maliban sa full body massages, at pet grooming shops sa ilalim ng GCQ areas ay papayagan na ring magbukas sa susunod na buwan.
Gayunman, hinihintay pa ang anunsiyo ni Presidente Rodrigo Duterte sa bagong community quarantine classifications ng mga lugar sa August at mga darating na buwan.





Comments