top of page
Search
  • BULGAR

GUWAPONG AKTOR NA HUMIRIT NG SUPER-TAAS NA TF SA HOME NETWORK...

'DI PINAGBIGYAN, NAG-OBER DA BAKOD, NALAOS NAMAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 2, 2020



BLIND ITEM:


Maraming fans ng dating sikat at guwapong matinee idol ang labis na nanghihinayang ngayon dahil unti-unti na siyang nawawala sa sirkulasyon. Wala na siyang tv shows at pelikula. Kung kailan pa naman niya kailangang kumita para itaguyod ang kanyang mga mahal sa buhay, saka pa naindulto ang kanyang career.


Nagsara na ang network na kanyang nilipatan. Wala na siyang aasahan pang trabaho sa pinanggalingang network. Wala rin siyang fallback o ibang trabahong puwedeng gawin kahit dalhin pa niya abroad ang kanyang pamilya.


Hindi naman kasi siya nakapagtapos ng anumang kurso. May naipundar man siyang bahay mula sa kanyang kinita sa pag-aartista at dati ay may sosyo siya sa negosyo ng ilang kaibigan sa showbiz, pero dahil gumagastos din araw-araw at walang pinagkakakitaan, unti-unti na ring nababawasan ang kanyang ipon.


May ilang nagmamalasakit na netizens ang nagsabi na maling-mali ang naging desisyon ng guwapong aktor at ng kanyang manager nang iwan niya ang network kung saan siya nagsimula. Markado at magaganda ang mga projects na ibinigay sa kanya noon. Bida siya palagi at malaki ang kanyang talent fee.


Nang mag-expire na ang kontrata ng guwapong aktor sa dating network, nag-demand ng sobrang taas na talent fee ang kanyang manager, bukod pa sa ibang demands at kondisyones. Pero hindi na kinagat at pinatulan ng network. Ni hindi na siya hinabol at pinapirma ng bagong kontrata. Kaya, no choice kundi lumipat na siya ng network kung saan marami siyang kakumpitensiya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page