Gustong malaman kung sino ang ka-compatible sa 3 dalagang nililigawan
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Pebrero 16, 2023
Dear Maestro,
May tatlong babae akong nililigawan ngayon. Dahil dito, gusto kong malaman kung sino sa kanila ang magiging girlfriend ko at kung sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible at makakasama ko habambuhay?
Ang una ay si Ms. Aquarius na may birthday na January 31, 2001, ang pangalawa naman ay si Ms. Leo na may birthday na July 28, 2000, at ang pangatlo ay si Ms. Taurus na ang birthday ay May 10, 2002, habang September 16, 2000 naman ang birthday ko. Sino ang ka-compatible ko sa tatlo at magiging girlfriend ko?
Umaasa,
Lover Boy ng San Vicente, Diliman, Quezon City
Dear Lover Boy,
Napakaliwanag naman ng sinasabi ng Astrology hinggil sa tatlong babae na nililigawan mo.
Dahil ikaw ay tipikal na Virgo na nagtataglay ng elementong earth o lupa, tunay ngang hindi mo ka-compatible ang isang Aquarius sa katauhan ni Ms. Aquarius na may birth date na January 31, 2001. Ito ay dahil ang Aquarius ay nagtataglay ng elementong air o hangin na hindi tugma sa isang earth type sign na tulad mo.
Gayundin, hindi mo masyadong ka-compatible ang isang Leo, sa katauhan ni Ms. Leo na may birthday na July 28, 2000, na nagtataglay na elementong fire. Dahil tulad ng nasabi na, hindi naman magkatugma ang earth sign na tinataglay mo sa fire sign na tinataglay ni Ms. Leo.
Sino ngayon ang tunay mong ka-compatible sa tatlong babae na nabanggit mo? Walng iba kundi si Ms. Taurus na isinilang noong May 10, 2002, na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus sa birth date na 1, kung saan, ang 10 ay 1+0=1.
Nangyaring ganu’n, sapagkat ang zodiac sign mong Virgo ay tulad ng Taurus na pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Habang ang birth date mong 16 o 7 (1+6=7) na isang weak number ay ideal o sadyang magandang isama sa strong number na 1 ni Ms. Taurus.
Ibig sabihin, itigil mo na ang panliligaw kay Ms. Aquarius at Ms. Leo dahil sinasayang mo lang ang panahon at resources mo sa kanila. Sigurado naman kasi na sa bandang huli ay mabibigo ka lamang o kahit sila pa ang makatuluyan mo, siguradong sa piling nila ay hindi ka naman magiging masaya at maligaya, habang ganundin sila sa piling mo.
Kaya ang pinakamabuti mong magagawa, sa taong ito ng 2023, isa na lang ang buhusan mo ng panahon upang ligawan at suyuin, at siya ay walang iba kundi si Ms. Taurus.
Tunay ngang kapag sa kanya mo ibinuhos ang iyong lakas, enerhiya, pagmamahal at panahon, tulad ng nasabi na, ngayong 2023, sa buwan ng Abril o Mayo at bago sumapit ang edad mong 23, magkaka-girlfriend ka na at magiging maligaya sa piling ng kasalukuyan mong nililigawan na si Ms. Taurus.




Comments