top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gustong magtrabaho abroad, maging wais kontra sindikato

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | Feb. 21, 2025



Editorial

Nag-warning ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko, lalo na sa mga young professional, hinggil sa malawakang recruitment ng mga sindikato na nag-aalok ng trabaho abroad.


Ang iniaalok nila ay trabaho bilang customer service representatives subalit, kalaunan ay nagiging biktima na ng scam hubs ang aplikante.


Karamihan sa mga nare-recruit na Pilipino ay ipinapasok sa POGO-like operations sa ibang bansa, partikular sa Cambodia, Myanmar at Laos.Iniulat din na meron nang mga naharang sa iba’t ibang paliparan sa bansa matapos matukoy na na-recruit sa ganitong uri ng trabaho.Ang nakakadismaya, sa kabila ng mga babala at nabibiktima, marami pa ring nahihikayat dahil nga sa mga pangakong malaking kita at mga benepisyo. 


Kailangang maging wais kontra sindikato, ‘wag magpapasilaw sa mga alok na malayo na sa katotohanan. Laging unang alamin ay kung ang kumpanya bang nag-aalok ng trabaho ay lehitimo at walang record ng panloloko. 


Umaasa rin tayo na lalo pang paiigtingin ng gobyerno ang pagtugis sa mga illegal recruiter upang mapanagot sa batas at wala nang mabiktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page