top of page
Search
  • BULGAR

Guro na 40-anyos at ‘di kagandahan, makakapag-asawa sa taong 2024

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | June 15, 2023



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil 40-years-old na ako, at gusto ko sanang malaman kung may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa. Hindi ako kagandahan, pero may stable work naman ako bilang isang teacher. July 17, 1982 ang birthday ko.


Umaasa,

Camille ng Orani, Bataan



Dear Camille,


Ayon sa birth date mong 17 o 8 (dahil ang 17 ay kinukumpyut ng ganito, 1+7=8), sa destiny number na nagkataong 8 din (7+17+1982=2006/ 20+06=26/ 2+6=8) at zodiac sign na Cancer, makapag-aasawa ka pa rin kahit na hindi ka kagandahang babae, dahil wala namang kaugnayan ang itsura pagdating sa pag-ibig.


Ang kinaganda nito ay nagkataon pang 8 ang birth date at destiny number mo na ang nasabing mga numero ay kapwa itinuturing na strong number, ibig sabihin, kapag ginusto mo talaga at pinairal mo ang iyong pagiging “taong otso” at ginusto mong mag-asawa na, wala magagawa ang tadhana o ang kapalaran kundi ang pag-asawahin ka.

Kaya kahit 40 na ang edad mo, hindi ka dapat kabahan, dahil kung ‘yung mga bakla at tomboy, ay nakapag-aasawa at iyong iba pa nga ay kinakasal, ikaw pa kayang nagka-edad lang at medyo nahuli lang ng bahagya sa huling biyahe ay sigurado namang makakapag-aasawa ka pa.


Ayon sa iyong Love Calendar ang pag-aasawang nabanggit basta’t ginusto mo lang talaga ay tinatayang magaganap sa susunod na taong 2024, sa edad mong 41 pataas, hatid ng isang lalaking may kayumangging kulay ng balat, may katamtamang laki ng pangangatawan at isinilang sa zodiac sign na Scorpio, kung saan, sa isang sitwasyong hindi mo inaasahan pero totoong mangyayari, may biglaan at hindi gaanong pinaghandaang pag-aasawa na magaganap.


Ang ikinaganda pa nito, kahit na biglaan, ang pag-aasawang nakatakda, ito ay mamumunga pa rin ng isang maunlad at maligayang panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page