top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Gurang na raw, taob na sa anak… PIOLO, PINAKAWALAN NG DOS 'WAG LANG MAWALA SI IÑIGO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 26, 2020




Samantala, mula sa isang source, nalaman namin na kaya pala pinayagan ng A.S.A.P. family na mag-ober-da-bakod si Piolo Pascual sa TV5 para pangunahan ang Sunday noontime show na karibal ng ASAP Natin 'To ay dahil may agreement sila ng ABS-CBN na 'wag isama ang anak na si Iñigo Pascual sa kanyang paglipat.


Hindi lang siguro ang ABS-CBN ang may nakikitang potensiyal kay Iñigo as a singer at host kundi maging ang milyon nang subscribers ng ASAP sa Kapamilya Online channel.


Sa totoo lang, two weeks ago, napanood namin ang duet nina Iñigo at KZ Tandingan at surprised kami sa malaking pagbabago ng anak ni Piolo physically at sa sarili nitong style sa pagkanta.


"Talbog si Piolo!" opinyon ng isang suki viewer ng A.S.A.P. na si Lory Santos.


Dugtong pa ng nasabing netizen, "Doon na ako sa mas bata, si Piolo kasi, gurang na."

Hala! Walang preno ang bibig ng ale!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page