top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Gumana ang miracle shot ni Curry, Morant, nagpasikat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 23, 2022





Gumawa muli ng himala si Stephen Curry at ipinanalo niya ang Golden State Warriors kontra Houston Rockets, 105-103, sa pagpapatuloy ng NBA kahapon sa Chase Center.

Galing sa timeout, bumira si Curry sa 19 na talampakan buzzer beating shot at paangatin ang kartada ng Warriors sa 33-13.

Nagtala ng 22 puntos at 12 assist si Curry at sinuportahan ni Jordan Poole na may 20 puntos bilang kapalit ng nagpahingang si Klay Thompson. Lumapit ang Warriors sa no. 1 Phoenix Suns na 35-9 habang humahabol na rin ang Memphis Grizzlies (32-16) at Utah Jazz (30-16).

Nagpasikat sa shooting si Ja Morant at nagbagsak ng 38 puntos para maging susi sa 122-118 panalo ng Memphis sa Denver Nuggets. Humugot ang Jazz ng 24 puntos kay Rudy Gobert at sinamahan ng 23 ni Bojan Bogdanovic at 20 kay Gilas Pilipinas Jordan Clarkson upang mabigo ang Detroit Pistons, 111-101.

Sa NBA Eastern Conference ay may bagong numero uno na Brooklyn Nets matapos talunin ang San Antonio Spurs, 117-102. Nakatulong sa Nets ang tagumpay ng World Champion Milwaukee Bucks sa dating numero uno Chicago Bulls, 94-90, habang wagi ang Atlanta Hawks sa Miami Heat, 110-108.

Umarangkada ang Nets at sumandal sa halimaw na triple double ni James Harden na 37 puntos, sinundan ni Kyrie Irving sa 24 puntos.

Walang kabang ipinasok ni Khris Middleton ang dalawang free throw sa papakulapsong 15 segundo. Namuno si Giannis Antetokounmpo sa 30 puntos habang 16 puntos si Middleton.

Pareho ang naging kuwento ng Hawks na sumandal sa free throw ni Trae Young sa huling 10 segundo upang maitakas ang panalo. Nagsabog si Young ng 28 puntos at tinulungan ni Kevin Huerter na may 21 puntos.

Samantala, sinimulan ng mabuti ng bisitang Los Angeles Lakers ang nakatakdang anim na magkasunod na laro sa tahanan ng kalaban sa 116-105 pagdurog sa kulelat ng buong NBA Orlando Magic. Bumanat ng 29 puntos si LeBron James at nag-ambag ng 23 puntos buhat sa apat na three-points sa 17 minuto si reserba Carmelo Anthony.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page