top of page

GSIS, voters' registration site na rin

  • BULGAR
  • Jan 14, 2023
  • 2 min read

ni Fely Ng @Bulgarific | January 14, 2023


Hello, Bulgarians! Ang punong tanggapan ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay ay isa na sa mga voters' registration sites para pilot implementation ng Register Anywhere Project (RAP) ng Commission on Elections (COMELEC). Isang memorandum of understanding sa pagtatalaga ng punong tanggapan ng GSIS bilang registration site ang nilagdaan nina GSIS President at General Manager Wick Veloso at COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa GSIS Gymnasium sa Pasay kung saan nakatalaga ngayon ang RAP Team.


Ang voters’ registration sa GSIS ay magaganap sa GSIS Gymnasium, GSIS Office sa Pasay, simula Enero 13, at Enero 16 hanggang 20, mula alas-8: 00 ng umaga hanggang alas-5: 00 ng hapon, para sa mga nais magparehistro o ilipat ang kanilang voter registration sa kahit saang lugar sa Pilipinas.


“We fully support initiatives that make the services of the government convenient and accessible to our stakeholders. And RAP is definitely one of these worthwhile programs. We hope that through RAP, Filipinos who are not yet registered voters will take the first step to exercise their right to vote,” pahayag ni Veloso.





Bilang bahagi ng pilot implementation, ang COMELEC ay mag-aalok ng dalawang serbisyo sa ilalim ng RAP, ito ay unang beses na rehistrasyon ng botante at paglilipat ng rehistrasyon, kabilang ang paglilipat mula sa ibang bansa patungo sa lokal. Ang COMELEC ay tatanggap din ng mga aplikasyon mula sa mga kuwalipikadong aplikante na nakatira o pansamantalang naninirahan sa isang lokalidad kung saan matatagpuan ang RAP site at gustong marehistro o lumipat sa ibang lokalidad, kung saan sila ay permanenteng residente at nagbabalak bumoto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Oktubre 2023.


Ang mga aplikante ay maaaring mag-walk in at magsumite ng kanilang application form at photocopy ng isang (1) valid government-issued identification (ID) card kapag naipakita na ang orihinal na ID; kasunod ang pagkuha ng kanilang biometrics sa GSIS Gym sa nakatakdang petsa.


“We thank GSIS for being an avenue for COMELEC's RAP. We hope to achieve our objective of increasing the number of voters and avoid overcrowding at COMELEC offices for last-minute registrations. Applicants as young as 15 years old are encouraged to register and exercise their right to vote in the coming barangay and Sangguniang Kabataan elections,” saad ni Garcia.


Para sa mga aplikanteng naninirahan sa Pasay City District 1, ang mga aplikasyon para sa registration, transfer, reactivation, at correction of entries ay dapat matanggap sa Election Office ng Pasay City District 1 o sa kanilang satellite venues.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page