Grade 8, sinaksak ng kaklase sa loob ng iskul
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | July 15, 2026

Photo: File
Isa na namang insidente ng karahasan ang naitala sa lalawigan ng Cavite kung saan nasugatan ang isang Grade 8 student matapos saksakin ng kanyang kaklase sa loob ng paaralan sa Dasmariñas City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima sa alyas Glen, 15, Grade 8, na patuloy na ginagamot sa ospital.
Ang suspek naman ay ang 14-anyos na Grade 8 din na kinilala sa alyas Ranz.
Sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng alitan ang dalawa noong nakaraang Huwebes na hindi naayos. Pagsapit ng break time, nilapitan umano ng biktima ang suspek na agad bumunot ng patalim at sinaksak siya sa likod. Agad namang umawat ang kanilang mga kaklase at iniulat ang insidente sa mga guro.
Isinugod sa ospital ang biktima habang ang menor-de-edad na suspek ay nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development para sa kaukulang intervention program.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.





Comments