top of page
WINNER - BEA AT VINCENT, IKAKASAL NA!_IG _bealonzo

Grab driver, hinoldap din... Move it rider, sinaksak ng pasahero, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Maeng Santos @News | July 15, 2026



Rider sinaksak at kinuha ang motor - Circulated

Photo: SS / Circulated video



Isang 46-anyos na motorcycle taxi rider ang nasawi matapos saksakin ng kanyang pasahero bago tinangay ang motorsiklo nito sa Caloocan City, Martes ng madaling-araw.


Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang Move It rider na si alyas Norberto sanhi ng tinamong tama ng saksak sa tagiliran habang nadakip naman ang suspek na si alyas “Jeffrey,” 43, nang muling mangholdap  ng grab driver sa Malabon City.


Sa nakarating na ulat kay Northern Police District Director P/BGen. Benliner Capili, angkas ng biktima ang suspek sa kanyang motorsiklo at pagsapit sa Block 10, Talangka St., Brgy. 20, Caloocan City, alas-2:55 ng madaling-araw ay biglang tinarakan ng salarin ang rider.


Matapos nito, tumakas ang suspek tangay ang motor ng biktima at pagsapit sa Dulong Borromeo Proper, Brgy. Longos, Malabon City alas-4:30 ng madaling-araw, hinoldap naman niya ang Grab driver na si alyas Jhamel, 21, subalit nanlaban ang biktima na nagsisigaw na humingi ng tulong.


Rumesponde naman ang mga bystander sa lugar na silang humabol sa suspek na tumakas hanggang masukol sa tinakbuhang dead-end na eskinita kung saan siya kinuyog at pinagbubugbog bago i-turn over sa mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5.


Nabawi sa suspek ang tinangay na cellphone kay “Jhamel,” pati na ang ice pick na gamit sa pananaksak at ang motor na tinangay niya sa nasawing biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page