top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gov’t. officials, puro thank you sa titser, dapat dagdag-sahod naman

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 07, 2023


PARA HINDI MABATIKOS, DAPAT LUBAYAN NA NG PSA ANG KAPI-FAKE NEWS SA UNEMPLOYMENT RATE -- Naputakti na naman sa batikos ng netizens sa social media ang ibinida ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mula sa dating 4.8% ay bumaba na raw ngayon sa 4.4% ang unemployment rates sa Pilipinas, na ang ibig sabihin ay marami na raw Pinoy ang nagkakatrabaho at kaunti na lang daw ang jobless.


Mababatikos talaga kasi fake news ang ibinibida ng PSA dahil imposible ang sinasabi nilang maraming Pinoy na ang may trabaho sa ‘Pinas, kasi paanong magkakatrabaho gayong wala namang pumapasok na foreign investors sa bansa.


Dapat lubayan na ng PSA ang kapi-fake news kasi para hindi sila nababatikos sa social media, boom!


◘◘◘


‘WAG NAMAN PULOS THANK YOU TITSER, DAPAT DAGDAGAN DIN ANG SUWELDO NILA -- Napuna ng ilang netizens na sa selebrasyon ng World Teachers’ Day nitong nakalipas na Oct. 5, 2023 ay may mga taga-Malacañang, senador at kongresista ang nag-thank you sa mga guro sa paglilingkod nila sa pagtuturo at edukasyon ng mga batang mag-aaral.


Ayon sa mga netizens, huwag naman daw pulos thank you sa mga guro kapag sumasapit ang World Teachers’ Day, ang dapat daw ay dagdagan na ang buwanang suweldo ng mga titser ng bayan, period!


◘◘◘


NAGMATIGAS KASI SI PURA LUKA, AYAW MAG-SORRY SA PAMBABASTOS KAY KRISTO KAYA KASO AT KULONG ANG INABOT NIYA -- Nakatikim ng pag-aresto si drag artist Pura Luka Vega sa mga kasong immoral doctrines, obscene publications and exhibitions at indecent shows na may kaugnayan sa dinaluhan niyang event kung saan binastos niya si Jesus Christ.


Kung ang ginawa noon ni Pura Luka nang mabatikos siya sa pambabastos kay Kristo ay humingi siya ng public apology, napatawad sana siya ng Simbahan, kaya lang nagmatigas, pinanindigan ang pambabastos kay Jesus Christ, kaya ang kaso, pag-aresto, pagkakakulong ang inabot niya, tsk!


◘◘◘


STATEMENT NG DICT ANG GULO-GULO, KILALA NA RAW NILA ANG MGA NANG-HACK SA PHILHEALTH, PERO ‘DI PA RAW NILA PUWEDENG KASUHAN KASI ‘DI PA NILA KILALA -- Ibinida ni Usec. Jeffrey Dy ng Dept. of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na raw sila sa grupong nagsagawa ng cyberattack sa PhilHealth, at kilala na raw nila ang mga suspek.


Nang tanungin ng mga mamamahayag kung sasampahan na ng kaso ang mga hackers, eh ang sabi ni Usec. Dy ay hindi pa umano sila puwedeng magkaso dahil hindi pa raw nila kilala ang totoong pangalan ng mga hackers.


Ang gulo naman ng statement ng DICT, kasi noong una ang sabi ay kilala na nila ang mga suspek, pero hindi pa umano nila puwedeng kasuhan dahil hindi pa raw nila alam ang totoong mga name ng mga hackers, boom!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page