top of page
Search
BULGAR

Good news para sa mga Pinoy skilled workers

ni Ryan Sison @Boses | May 17, 2024



Boses - Ryan Sison


Good news para sa ating mga kababayang professionals at skilled workers.


Kasabay ng pagdiriwang ng Philippine-Austria Friendship Week ngayong linggo, ipinahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na nangangailangan ng mas maraming Filipino skilled workers ang bansang Austria para matugunan ang labor demand nito at makapag-ambag sa paglago ng kanilang ekonomiya.


Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, hindi lamang ito selebrasyon ng matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Austria, kundi isang hakbangin upang mapalakas ang kolaborasyon at iba pang bahagi ng kooperasyon ng dalawang bansa, partikular na sa pagde-deploy ng mga Filipino professional at skilled workers. 


Ito rin aniya ang magiging daan upang masiguro ang ligtas at nararapat na recruitment ng mga Pilipino sa Austria, gayundin ang proteksyon ng mga karapatan, seguridad, at kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW). 


Sinabi ni Cacdac na nagpahayag din ng intensyon ang Austria para kumuha ng 500 Pilipinong manggagawa taun-taon, kung saan kasalukuyan nang inaayos ang pagsisimula nito. 


Sa ngayon anang kalihim, mayroong 5,000 Pinoy na nagtatrabaho sa Austria na karamihan ay nasa hospitality, food service, at healthcare sectors. 


Kaugnay nito, inanunsyo rin ni Cacdac na magbubukas na ang Migrant Worker’s Office (MWO) sa Vienna, Austria, sa ikatlong quarter ng taon para masuportahan ang pangangailangan ng dumaraming OFWs sa nasabing bansa.


Mabuti naman na may mga naghahanap na mga Filipino worker na magbibigay sa kanila ng pagkakataon upang makapagtrabaho abroad.


Mas mainam na ito na magkaroon ng hanapbuhay ang ating mga kababayang OFWs kaysa walang pagkakakitaan at ikabubuhay para sa kanilang pamilya, habang nakakaranas lamang ng gutom at hirap.


Dapat sigurong magpasalamat din tayo sa bansang Austria sa kanilang commitment na tumanggap at mag-hire ng mga manggagawang Pinoy dahil malaking tulong talaga ito para sa atin.


Sana lang patuloy ang pagkilos ng kinauukulan at ginagawang programa para pagtuunan ang kapakanan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.


 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page