top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Good news na mas marami na ang aktibo sa pagboto

BULGAR
May 12, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 12, 2022


Nitong nakaraang Lunes, May 9, inihalal natin ang mga susunod na lider ng bansa.


67 milyong Pilipino ang nagparehistro para bumoto, at bagama't wala pa mang opisyal na bilang, inaasahang lalagpas sa bilang noong 2016 ang voter turnout ngayong halalan.


Hindi man sang-ayon ang lahat sa resulta ng halalan, maituturing pa ring good news na mas marami na sa mga kababayan natin ang nagiging malay sa responsibilidad nila sa pagtataguyod ng bansa.

☻☻☻


Pagkatapos ng halalan, panahon na upang tutukan nating maigi ang muli nating pagbangon mula sa dagok ng pandemya.


Nasa magkakaibang panig man tayo, naniniwala akong may pagkakataon ang lahat na makapaglingkod at ibigay ang makakaya para sa bayan.


☻☻☻


Nais nating samantalahin ang pagkakataon upang magpasalamat sa lahat ng nagboluntaryong tumulong at nakasama natin sa nakaraang kampanya sa pagtakbo ng aking amang si former Vice President Jejomar Binay.


Marami ang naging hamon ng kampanya dahil sa pandemya, ngunit sa kabila ng mga ito ay nakapag-ikot kami sa buong bansa upang iparating ang mensahe niya.


Maraming salamat din sa mga patuloy na nagtitiwala sa adbokasiya ng aking ama at sa Binay “brand of service”.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page