top of page

Golden Tigresses hindi magpapatinag sa Eagles

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20, 2024
  • 1 min read

ni Gerard Arce @Sports | March 20, 2024




Mga laro ngayong Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)

2 n.h. – NU vs UP

4 n.h. – Ateneo vs UST 


Patuloy na ilalaban ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang kanilang malinis na kartada laban sa Ateneo Lady Blue Eagles sa tampok na laro, habang kakagatin ng NU Lady Bulldogs na makabawi sa kanilang huling pagkatalo kontra sa nakabawi-bawing (UP) Lady Maroons sa pambungad na laro ngayong araw sa 86th season ng UAAP women’s volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.


Ito ang kauna-unahang beses na tangan ng UST ang matamis na 7-0 start sa Final Four era, habang huling beses natikman ng koponan ang malinis na kartada nung 2006 championship run na may siyam na sunod na panalo na tangkang maipagpatuloy ang misyon kontra sa Ateneo sa main game sa alas-4:00 ng hapon, habang maghahampasan naman sa unang laro ang NU at UP sa alas-2:00 ng hapon.


Hindi inaasahang malalagay sa tuktok ng tagumpay ang Golden Tigresses na winalis ang first round kabilang ang mga kampeon ng dalawang season na No.2 at No.3 na De La Salle University Lady Spikers at Lady Bulldogs.


Sagana sa nakukuhang tulong at suporta ang team captain at ace libero na si Bernadett Pepito mula sa kanyang mga batang kakampi sa pangunguna ni league leading MVP at top attacker Angge Poyos na may 42.07 percent at pangalawa sa services sa 0.44 per set, habang mahusay naman ang pamamahagi ni ace playmaker Cassie Carballo sa pagiging top setter sa 4.96 kada laro at top sa service zone sa 0.48 per set.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page