Golden Tigresses, hawak ang malinis na kartada
- BULGAR
- Mar 14, 2024
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | March 14, 2024

Mga laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)
2 pm – DLSU vs NU
4 pm – Adamson vs UST
Nagpatuloy sa kanilang malinis na rekord ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa pangunguna ni ‘super-rookie’ Angeline “Angge” Poyos upang mapantayan nila ang magandang kartada noong 2011 para sa matinding pagsubok na hatid ng University of the Philippines Lady Maroons sa panibagong straight set sa 25-22, 25-20, 26-24 kahapon sa unang laro ng 86th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.
Minsang natikman ng Golden Tigresses ang 6-0 marka noong season 73, kung saan dinedepensahan ang titulo laban sa De La Salle University Lady Spikers, matapos ang 13-taon ay muling naulit ang naturang pangyayari at maaaring magawang mawalis ang unang round sa kauna-unahang pagkakataon kontra Adamson University Lady Falcons sa Sabado, 4 p.m.
Bumuhos muli ng doble pigura si Poyos ng kabuuang 22 puntos mula sa 18 atake at apat na service aces, habang nag-ambag ito ng tig-pitong excellent digs at excellent receptions, habang rumesbak naman galing sa bench si Xyza Gula ng triple-double sa 14pts galing sa 2 atake at dalawang aces, kasama ang 12 excellent receptions at 10 excellent digs, gayundin si Regina Jurado na nag-ambag ng 12pts mula sa 11 atake at isang ace, kasama ang apat na digs.
“Again, 'yung respeto na binibigay namin sa mga kalaban namin na alam namin kasi everybody’s game. So, yun na nga, very tight yung labanan especially nung last set kasi nga we won by two points so medyo hindi pa namin makuha yung rhythm nung ano, kung anong meron kami,” saad ni Golden Tigresses head coach Kung Fu Reyes.








Comments