- BULGAR
Gold mine sa western Guinea gumuho; 18 patay
ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022

Patay ang 18 katao matapos gumuho ang isang informal gold mine sa western Guinea, ayon sa government spokesman nito kahapon, Huwebes.
Naganap ang insidente noong Lunes sa Gaoual, kung saan nagmimina ng ginto ang mga minero mula noong mga nakaraang buwan.
"For the moment, 18 bodies have been extracted and we are not finished yet. Rescue operations continue," ano government spokesman Ousmane Gaoual Diallo.
Malimit na ang mga aksidente sa tinatawag na artisanal mines sa bahagi ng West Africa, kung saan nag-o-operate ang mga ito nang walang regulasyon.
Samantala, nasa 15 katao naman ang namatay sa parehong insidente sa isang artisanal gold mine sa northeastern Guinea noong Mayo.