top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gobyerno, tiyaking maayos ang trapiko sa SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2023
  • 1 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 22, 2023



Taliwas sa pahayag ng transport group na Manibela, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy nitong tinutugunan ang mga alalahanin ng mga operator at tsuper ng public utility vehicle (PUV) sa fleet modernization initiative ng gobyerno.


Nagbanta ang Manibela na aabalahin ang pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng transport strike na kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ngunit sinabi ng DOTr na 95% ng mga transportation leader ay nangako na hindi sasama sa strike.


Samantala, naghahanda na ang government task force ng mga contingency measures upang matiyak na ang planong tatlong araw na transport strike, mula Hulyo 24 hanggang 26, ay hindi makakaabala sa mga commuter.


Pinangunahan nina Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Don Artes ang pulong ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team (IATF-MT).


Hiniling ni Guevarra ang mga local government units (LGUs) na makipagtulungan sa single dispatching system ng MMDA na magpadala ng mga rescue vehicle para magsampa ng mga pasahero sa panahon ng transport strike, na kasabay ng ikalawang SONA ni Pangulong Marcos sa Hulyo 24.


Sa pagpupulong, inalok ng mga local government agencies na gamitin ang kanilang rescue units o vehicles upang tulungan ang mga commuters sakaling magkaroon ng passenger build-up.


Sa totoo lang, lahat tayo ay may karapatan na maglabas ng saloobin pero huwag naman sanang umabot na makakaabala na tayo ng ibang tao.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page