top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gobyerno, nalulugi sa sabwatan ng mga smuggler at ‘buwaya’ sa Customs

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 20, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 20, 2023


SANA PABORAN NG SC ANG PETISYON VS. MAHARLIKA INVESTMENT FUND PARA MAUNSIYAMI ANG MGA MAY MASAMANG BALAK SA PERA NG BAYAN --Kinuwestyon na nina Senate Minority Leader, Sen. Koko Pimentel, Bayan Muna Chairman Neri Colmenares, former Bayan Muna Representatives Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng Maharlika Investment Fund (MIF) na popondohan ng gobyerno ng P500 billion mula sa pera ng bayan.


Sana, paboran ng SC ang petisyong ito at ideklara nilang unconstitutional para ‘yung mga may masamang balak sa pera ng bayan na ilalagak sa Maharlika Investment Fund ay maunsiyami, period!

◘◘◘


GOOD NEWS SA MGA MAGSASAKA ANG UTOS NI P-BBM NA ITAAS PRESYO NG PALAY -- Ipinag-utos ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang pagtataas sa presyo ng palay na inaani ng mga magsasaka.


Good news ‘yan sa mga magsasaka kasi dahil sa utos na ‘yan ng Presidente ay magkakaroon na sila ng maayos na kita sa pagbebenta ng mga palay. Palakpakan naman d’yan!

◘◘◘


PARA ANG PRESYO NG BIGAS BUMABA, DAPAT IPAWALANG-BISA NA NI P-BBM ANG RICE TARIFF LAW NI EX-P-DUTERTE -- Sana, ang next gawin ni P-BBM ay ipawalang-bisa ang Rice Tariffication Law ni ex-P-Duterte para naman bumaba ang presyo ng bigas.


Mula kasi nang isabatas ito ni ex-P-Duterte ay nawala na ang limit sa pag-aangkat ng bigas, at mga rice importer na ang nagkokontrol sa presyo ng imported rice sa merkado na nagpapahirap sa mamamayan, period!

◘◘◘


PARA MAKALIKOM NG MALAKING BUWIS, DAPAT SIBAKIN NI P-BBM MGA ‘BUWAYA’ SA CUSTOMS -- Isa sa dapat gawin ni P-BBM para makalikom ng malaking buwis ang pamahalaan ay sibakin ang mga “buwayang” Customs officials.


Diskarte kasi ng mga smugglers ay bago ilabas sa adwana ang kanilang mga kargamento ay kinakausap muna ang mga kontak nilang “buwayang” Customs officials para makaiwas sa pagbabayad ng malaking buwis na nagreresulta tuloy sa laging pagkalugi ng pamahalaan sa duties and taxes na dapat bayaran ng mga smugglers, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page