top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gobyerno, dapat tiyaking safe at epektib ang COVID vaccine na bibilhin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2020
1 min read

@Editorial | December 28, 2020



Ligtas at epektibo. Lahat ay umaasa na safe at effective na bakuna ang makukuha o mabibili ng gobyerno laban sa COVID-19.


Kaugnay nito, ginagawa na umano ng pamahalaan ang lahat upang matiyak ito. Inaaral na ang lahat ng possible sources ng bakuna laban sa coronavirus.


Kailangang matiyak na hindi tayo mangulelat dahil marami na rin ang apektado ng pandemya.


Mainam din na hindi lamang gobyerno ang kumikilos para magkaroon ng bakuna, malaking tulong din ang suporta ng mga nasa pribadong sektor.


Napag-alamang ang iba ay nagpirmahan na para sa kanilang mga empleyado.


Bukod sa katiyakan na makakukuha ng ligtas at epektib na bakuna, dapat ding ayusin na ang magiging proseso ng pamimigay nito.


Kailangang handa na ang listahan ng mga mauuna sa bakuna -- ang mga frontliners, senior citizens at mahihirap. Out muna ang mga pulitiko at mga may higit na kakayahan.

Sadyang napakalaking hamon nito sa lahat lalo na sa gobyerno.


Sa kanila nakasalalay ang malaking bahagi ng laban sa COVID-19 lalo na ngayon na may bagong strain na dapat harapin.


Kailangang maging mabubuting lider na susundin at pagkakatiwalaan ng taumbayan upang mas maging mabilis ang pagbangon mula pandemyang ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page