top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Gobyerno, dapat magpokus sa pagbibigay ng trabaho kaysa ayuda

Writer: BULGAR
BULGAR
May 28, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 28, 2023


Animnapu't siyam na porsyento ng mga Pilipino ang nahihirapang maghanap ng trabaho ngayon, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).


Ang survey na isinagawa mula Marso 26 hanggang 29 ay nagpakita na 11% lamang ng 1,200 Filipino respondents ang nagsabing simple lang ang paghahanap ng trabaho.


Nasa 16% ang nakikitang hindi ito madali, habang 4% ang nagsabing hindi nila alam.


Samantala, ang paghahanap ng trabaho ay hindi madali simula pa noong 2011, ayon sa SWS.


Gayunman, sinabi ng SWS na 50% ng mga Pilipino ang naniniwalang magkakaroon ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa susunod na 12 buwan.


Samantala, 10% lang ng mga respondent ang naniniwalang kaunti lang ang trabahong available, habang 26% ang nagsasabing wala silang inaasahang pagbabago at 14% ang hindi sigurado.


Nauna nang sinabi ng SWS na bumaba ang unemployment sa mga Filipino adults mula 9.6 milyon noong Disyembre 2022 hanggang 8.7 milyon noong Marso 2023.


Giit ng SWS, malayo pa rin ito sa 7.9 milyong Pilipino na walang trabaho noong Disyembre 2019.


Sa totoo lang, maraming mali sa sistema ng ating bansa pagdating sa trabaho, kaya ‘yan ang dapat pagtuunan ng ating gobyerno.


Sa panahon ngayon, napakahirap maghanap ng trabaho dahil ang karaniwang dahilan ay ang mataas na standard ng mga Pinoy employer at ang iba naman ay naghahanap ng mas mataas na suweldo.


Ito ang totoong hamon na dapat harapin ng gobyerno, dapat na mag-alok ng mas maraming trabaho para sa Pinoy at hindi ang pagbibigay ng ayuda ang unahin dahil pansamantalang solusyon lang ito para sa mahihirap na mamamayan.


Para naman sa mga employer, okey lang na taasan ang mga qualification sa trabaho, basta’t ibigay ang tamang pasuweldo sa mga empleyado dahil ang ibang kumpanya ay napakataas ng standards, ngunit minimum lang ang inaalok sa suweldo.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page