top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gobyerno, dapat ‘di na nagpramis ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel para ‘di umasa ang mga pinoy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 29, 2023


KUNG WALANG KASALANAN SINA EX-P-DUTERTE AT DELA ROSA, WALA SILANG DAPAT IKATAKOT SA ICC– Tanging sa korte lang daw ng Pilipinas haharap sina ex-P-Duterte at Sen., ex-PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa kapag may nagkaso sa kanila at never daw silang magpapailalim sa International Criminal Court (ICC).


Tandang-tanda pa ng mamamayan ang bukambibig nina ex-P-Duterte at Sen. Dela Rosa noong umpisahan nila ang bloody drug war, na ayon sa kanila, “Kung walang kasalanan ay hindi dapat matakot ang sinuman” sa giyera kontra droga ng pamahalaan.


Ang sinabi nilang ‘yan noon ay ibabalik natin kina ex-P-Duterte at Sen. Dela Rosa, na kung sila ay walang kasalanan, hindi sila dapat matakot na harapin ang kasong crimes against humanity na naisampa sa kanila sa ICC, period!


SA ‘PINAS, WALANG MAGLALAKAS-LOOB MAGKASO KINA EX-P-DUTERTE AT DELA ROSA – Kaya malakas ang loob nina ex-P-Duterte at Sen. Dela Rosa na sabihing sa korte ng Pilipinas lang sila haharap kapag may nagkaso sa kanila ay dahil alam nila na walang maglalakas-loob na sila ay kasuhan dahil pareho silang maimpluwensya sa Pilipinas,

makapangyarihang bise presidente ang anak niyang si Vice Pres. Sara Duterte, at ang dating PNP chief ay makapangyarihang senador ngayon ng bansa.


Sa ICC nga naman, alam nilang tagilid sila, hindi nila magagamit ang kanilang impluwensya sa Pilipinas, at ang kanilang ikinakatakot ay kapag humarap sila sa pagdinig at guilty ang maging hatol sa kanila ay hindi na sila makakauwi sa ‘Pinas, diretso kulong na sila sa ICC jail sa Netherlands, boom!


PRESIDENTENG NAGBAON SA UTANG SA ‘PINAS AT NAG-ALIS NG NFA RICE ‘BEST PRESIDENT EVER’ DAW – Sa social media ay may mga DDS (Duterte Diehard Supporters) vloggers na umaatake kay President Bongbong Marcos (P-BBM) na kesyo wala raw binatbat ito sa uri ng pamumuno ni ex-P-Duterte na binansagan nilang “The Best President Ever.”


Hay naku, sa panahon ni ex-P-Duterte, nabaon nang husto sa utang ang Pilipinas at nawala sa merkado ang NFA rice, tapos para sa mga DDS vloggers, ang “Tatay Digong nila ang “The Best President Ever” mga pwe!


SANA HINDI NA NAGPRAMIS ANG GOBYERNO NA IBABALIK ANG LIBRENG SAKAY SA EDSA BUS CAROUSEL—Kinumpirma ni LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board) Chairman Teofilo Guadiz III na hindi na ibabalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, baka raw magbigay na lang sila ng discount.


Sana hindi na nagpramis ang gobyerno na ibabalik ang free rides para hindi na umasa ang publiko na makakalibre ulit sila ng pasahe sa EDSA Bus Carousel, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page