top of page
Search
BULGAR

Ginebra balik porma sa paggapi sa Blackwater

ni Rey Joble @Sports News | September 11, 2024



Sports Photo

Maraming kumukuwestiyon sa kakayanan ng Barangay Ginebra na maibalik ang korona ng PBA Governors’ Cup, isang torneo kung saan maraming beses na nila itong napanalunan. Dalawang season ang nakararaan, nalasap ni Justin Brownlee ang kauna-unahang kabiguan sa finals kung saan tinalo siya ni Rondae Hollis-Jefferson at TNT Tropang Giga.


Sa kanyang muling pagtuntong sa PBA, pinangunahan ni Brownlee ang pagbabalik sa porma ng Barangay Ginebra at nitong Martes sa Ninoy Aquino Stadium, ipinoste ng Gin Kings ang 112-98 panalo kontra sa sumisiglang Blackwater.


Triple-double performance ang ipinamalas noong nakaraang laro habang nakapagtala na rin siya ng kanyang career-high na 51 puntos noong Agosto 27 sa 108-102 panalo kontra sister team San Miguel Beer si Brownlee.


Laban sa Blackwater, muling nasukat ang kakayanan ng six-time PBA champion at two-time Best Import kontra sa George King at mga Bossing. Si King ang dahilan sa muling pagsingasing ng Blackwater sa kampanya kung saan pinamunuan niya ang Bossing sa tatlong sunod na panalo kabilang na ang pagtambak sa NLEX Road Warriors, 110-99, noong Biyernes.


Sa laban kontra Gin Kings, dalawang assists na lang ang kinulang sa pagtala ng triple-double performance kung saan may 21 puntos, 11 rebounds at walong assists ang dating NBA player.


Pero mas nanaig ang Ginebra kung saan mas nangibabaw ang tulong ng mga kakampi ni Brownlee, na tumapos na may 20 puntos at 9 na rebounds. Namayani para sa Gin Kings si Scottie Thompson, na kumubra ng sarili niyang triple-double na laro.


Ang dating Most Valuable Player na dinapuan ng katakot-takot na injuries sa nakalipas na dalawang seasons, ay unti-unting nagbabalik ang lakas at kontra Blackwater, ipinakita ni Thompson kung sino ang tunay na Bossing sa hard court kung saan nagposte siya ng mga numero na 21 puntos, 11 assists at 10 rebounds.


“I think Scottie is playing about 85-90 percent right now. He’s not fully 100-percent,” ang sabi ni Barangay Ginebra coach Tim Cone. “We have to be careful with him at practice and we want to make sure we don’t wear him out.” “We kinda handle with kid gloves as much as we can. If you call 39 minutes with kid gloves, we’re trying as much as we can, but he’s just too important to what we do and how we do it.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page