top of page
Search
  • BULGAR

Ginaya si Jerry Yan ng F4… HUBAD NA PIKTYUR NI LUIS SA BATH TUB, PINAGPIYESTAHAN NG NETIZENS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 6, 2020




Ang dami talagang kalokohan ni LUIS Manzano, pati ang sikat na Taiwanese actor na si Jerry Yan a.k.a. Dao Ming Si ay ginaya niya sa pinag-uusapang bath tub scene nito sa seryeng Count Your Lucky Stars kung saan kapansin-pansin ang abs ng huli.


Komento ng mga netizens sa 43-year-old Taiwanese actor, kahit ageless na ito ay yummy pa rin.


“The older you get, the yummier you become.”


Good vibes naman ang hatid ng panggagaya ni Luis sa bath tub scene ni Jerry Yan. Pinagharap niya ang picture nilang dalawa ng Taiwanese actor kung saan half-naked din siyang nakaupo sa bathtub.


Ang caption niya sa kanilang picture ni Jerry Yan, “'Di naman sa pang-aano, Jerry Yan, papunta ka pa lang, naka-ilang balik na ako…”


May idinugtong pa siyang, “Spell Sexy? L-U-I-S. Boom.”


Kaya lang, mukhang 'di pumasa sa ilang netizens ang joke ng TV host.


Sey ng isa, “Corny na naman itong waley na ito. Flop!”


Makahulugan naman ang komento ng isang netizen, “Hay naku. Pantasya. Confirmed.”


May nagsabi namang mas guwapo si Luis kesa kay Jerry.


“Sa totoo lang, mas type ko naman si Luis Manzano. Never ako naguwapuhan kay Jerry Yan kahit pa noong kasikatan niya sa Meteor Garden.”


Kontra naman ng isa pa, “Sa akin naman, buti na lang, mayaman at kilala si Luis, kung hindi, hindi 'yan makakahanap ng magagandang gf.”


“Mukhang maantot na kargador naman ang dating ni Jerry Yan. Napanood ko 'yung Meteor Garden, 'di naman sila kaguwapuhan ng F4 kaya wala pang isang taon, nalaos na sila sa 'Pinas. 'Yung Happy New Year concert ng F4, nalugi, at flop 'yung solo concert ni Vanness (Wu).”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page