Ginawa kina Kim, Maja at Bea, kay Julia naman ngayon…

Updated: Jan 9, 2021
GERALD, BULOK NA ANG STYLE NA BINIBIGYAN NG ASO AT ISINASAKAY SA HELICOPTER ANG GF
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 5, 2021

Hahaha!!! Mahusay daw talagang gumawa ng ingay itong si Julia Barretto.
Imagine, sa pagpasok ng taong 2021, hindi natigil ang isyu regarding sa kanilang dalawa ng rumored boyfriend na si Gerald Anderson.
Nandu'ng nag-viral sila na nasa Baguio dahil sa isang fan na nagpa-selfie sa actress, eh, kasama pala ni Julia si Gerald. So, ayun, nabuking nang magsalita ang huli sa reaksiyon ni Julia nang hindi agad nag-thank you ang nagpa-picture na fan, instead ang actress ang nagpasalamat at nag-welcome naman ang fan.
Sarkastikong sabi ni Julia sa fan, "Ikaw pa talaga ang nag-welcome."
Sabi naman ni Gerald, "Good one."
Ngayon, isa na namang larawan ang ibinahagi ni Julia sa kanyang Instagram account.
Nakasakay siya sa car, may bitbit na aso at nilagyan niya ng caption na: “New baby, St. Bernard.”
Sa larawan, maraming netizens ang nakapansin sa isang brasong mabalahibo rin.
Ilan lang ang mga komentong ito na pumasok sa comment section ng post ni Julia.
Espekulasyon ng mga ito ay si Gerald ang nagda-drive ng car.
Sey ng isa, “Huli ka, balbon!”
Tanong ng fan ng aktres, "'Kaw ba 'yan, G?"
Sabi ng isang fan girl, “Omggg! Reveal na rin, Jul!!! Will be happy for you kahit sinong boyfriend. Mahal pa rin kita. Love you!!!"
Ganito naman ang mga sinasabi ng iba na nagkalat sa social media…
“Obvious naman… gusto na ni girl i-public… pakonti-konti, ayan na.”
“Siyempre, abangan ang big reveal sa next episode ng vlog.”
"Halatang-halata naman sa braso na balbon.”
“Smart ni ate girl, 'no? Very subtle ang reveal, balahibo lang.”
Isa naman ang nagkomento ng ganito, “Kung kay Dominic (Roque), may pa-kuko si Bea, si Julia naman daw, may pa-braso ni Gerald! Kayo na raw bahala kung sino sa kanila ang patok at pag-uusapan ng mga netizens!”
Ang tinutukoy na may "pa-kuko si Bea" ay 'yung kumalat na picture ni Dominic kung saan may ka-date itong kamay lang ang nakita na ang nail polish ay katulad ng kay Bea Alonzo.
“Well, at least, kapag naghiwalay sila ni Julia, hindi na niya need mag-delete ng photos, BWHAHAHAHAHA.”
“Obvious ba? Unti-unti na nilang iniri-reveal ang relationship nila.”
May nagsasabi namang ang aso ay galing kay Gerald.
Pero sabi ng isa, “Aso rin ang ibinigay ni G kay B, 'di ba?”
“Lahat ng ex, binigyan niya. Meron din sina Maja (Salvador) at Kim (Chiu).”
“Pati kay 'Bawal Lumabas' at Dance Princess, parehong binigyan ng aso ni Budoy (Gerald).
Kaya nothing special... Malamang, susunod niyan, helicopter ride naman either sa birthday, Valentine's or anniversary. Pattern na 'yan ni G sa mga ex.”
Pinagkumpara rin ng mga netizens ang mga ex-GFs ni Gerald at si Julia.
Komento ng isa, “In what area Julia won over Bea? Kung sa career lang, sobrang layo at never mararating ni Julia ang narating ni Bea. Kung kay Gerald lang, kay Julia na lang siya 'noh! They deserve each other.”
“Winner? Gerald is not a good catch. I am sure this Julia will cry as the boy's character unfolds, smack on her face.”
“As if naman upgrade si Julia? She's just young! In every aspect, lahat ng ex ni Gerald, super lamang kay Julia. Lahat ng ex, maganda at may napatunayan na sa showbiz. Si Julia, waley!!!”
“Sinadya niyang ipakita 'yung braso para may hint ang tao na magkasama sila. Oh well, papel, if you’re happy, as long as you didn’t step on anyone’s toe… oh, wait!”
“Eh, kasi, may pa-deny-deny pang nalalaman noon. 'Yun naman pala, couple na sila.”
“Kahit hindi na ipakita ang braso, kapag may aso, alam na!”
“Hahaha! Mahilig magbigay ng aso. Lahat ng ex, may aso. Hindi special mabigyan ng aso.”
'Kalokah din ang komento ng mga netizens pero may point sila.





Comments