Ginamit ng dating si Rustom para kumita sa YouTube…
- BULGAR

- Sep 22, 2020
- 2 min read
PIOLO, LUMANTAD NA PERO DEDMA PA RIN SA MGA PASABOG NI BB
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 22, 2020

Sa online forum ng AKTOR x DAKILA nu'ng Sept. 20, tinalakay ng organisasyon ang 48th anniversary ng Martial Law.
Ganito Kami Noon, Ganito Pa Rin Ba Ngayon? Pelikula, Paniniil, Pagpapalag ang title ng kanilang pagpupulong.
Sa nasabing talakayan, isa sa mga guests ng AKTOR X DAKILA ang napakaguwapong aktor na kontrobersiyal ngayon, none other than Piolo Pascual!
Ito'y dahil sa pelikulang Dekada '70 kung saan sila ni Ms. Vilma Santos ang pangunahing tauhan sa pelikula, na ang tema ay ang pagiging diktador umano ng rehimeng Marcos noon.
Masyadong matapang ang pagkakagawa ng pelikula kung saan kapag nagkamaling magsalita against sa gobyerno ang mga aktibista ay matinding kaparusahan ang makakamit, tulad na lang ng naging role ni Papa P. bilang anak ni Ate Vi sa movie.
Napakahusay nila bilang mag-ina sa Dekada '70, lalo na sa eksenang nahuli na ng militar si Piolo. Katakut-takot na pahirap ang kaparusahang natanggap niya sa ilalim ng batas-militar. Naroong nakahubo't hubad si Papa P. habang nakababad sa yelo at ginugulpi.
Kinilala ng mga award-giving bodies ang kahusayan ni Piolo bilang Best Supporting Actor sa Dekada '70. Naka-grand slam siya dahil sa acting niyang 'yun.
Natanong si Piolo ng isa sa mga hosts ng organisasyon na si Lourd de Veyra, "Paano binabago ng mga pelikula mo ang political stance mo?"
Marami raw kasing kumukuwestiyon sa political affiliation ni Papa P bilang Duterte supporter. Papaano raw niya nagagawa ang mga 'yun samantalang ang ginampanan niya ay isang Jules Bartolome na isang aktibista sa Dekada '70.
Dugtong na tanong pa ni Lourd, "Ang hirap ng balancing act sa paninindigan du'n?"
Ang sagot ng guwapong aktor, "I guess it's important 'yung pagiging tao mo, 'yung pagiging totoo mo.
"Lahat tayo, may boses, kahit anuman ang estado natin sa lipunan. May boses tayo na kailangang gamitin at obligasyon natin na gamitin 'yun.
"So ang sa akin, ang stance ko sa politics... Politics has got nothing to do with my showbiz life.
"Given this platform in this showbiz field, I'm using it to be positive.
"Kung anuman ang stand ko sa politics… hindi kasi ako pulitikong tao, eh, hindi ako 'yung tipo na nagsasalita about my stand as celebrity."
Ayon pa kay Papa P., "Kasi hindi ko gagamitin ang platform ko sa showbiz para gamitin sa pulitika. Kasi iba naman ang pagiging artista mo, eh.
"Gagamitin ko ang boses ko sa tamang panahon at tamang pagkakataon," pagtatapos ng aktor.
Maraming natuwa nang pinaunlakan ni Piolo ang AKTOR x Dakila sa kanilang online open forum.
Napakakontrobersiyal kasi ngayon ng aktor dahil sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari nu'ng ang katauhan pa niya ay bilang Rustom Padilla.
Pino-provoke ni BB si Papa P. na magsalita na about himself, but sad to say, hindi siya pinatulan ng aktor.
Tama lang na tumahimik si Papa P., sure kaming mapapagod din si BB sa kangangawa lalo't 'di siya pinapatulan ni Piolo.
Siguro raw, sabi ng netizen, nakakuha na ng maraming subscribers ang transgender at the expense of Piolo Pascual at kumita na ito nang malaki sa kanyang vlog sa YouTube.





Comments