top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Gin Kings vs. Road Warriors, sa opening game ng PBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 7, 2020




Haharapin ng Barangay Ginebra ang NLEX Road Warriors sa opening ng PBA Philippine Cup sa Oktubre 11 sa bubble sa Pampanga.

Nakatakdang ilabas ng PBA ang full schedule ng laro ilang araw bago simulan ang PBA games na natigil nang mahigit pitong buwan dahil sa COVID-19 pandemic. Pero ngayon pa lang ay lumabas na ang balitang magsasagupa ang Gin Kings at Road Warriors sa first game sa restart ng liga na gaganapin sa Angeles University Foundation Gym.

Ito ang unang laro ng sikat na koponang Gin Kings simula nang talunin nila ang Meralco sa 2019 PBA Governors Cup Finals noong Enero. Inaasahang makakasama sa laro sina finals MVP Japeth Aguilar at LA Tenorio kahit hanggang ngayon ay wala pa sila sa bubble.

Siniguro ni Ginebra coach Tim Cone na ang dalawang pambato ng koponan ay darating ilang araw bago simulan ang opening game. Sa pangunguna ni Kiefer Ravena, target ng Road Warriors ang magandang simula sa kampanya sa Philippine Cup matapos i-trade si big man Poy Erram sa TNT.

Ayon sa PBA, target nilang tapusin ang liga sa loob ng dalawang buwan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page