Gilas star Fajardo, hawak ang mantrang "never give up"
- BULGAR

- Jul 7
- 2 min read
ni MC @Sports News | July 7, 2025
Photo: Pinapayuhan ni Gilas Pilipinas woman Ella Fajardo ang mga batang atleta hinggil sa halaga ng sipag, hard work na dapat nilang dalhin sa hardcourt habang nasa Kingdom Elite Invitational Basketball Camp. (GV)
Kaakibat na ng Gilas Pilipinas Women’s standout at MILO ambassadress Ella Fajardo ang sipag, hard work at minsan ay rejection, at ito ang mga natutunan niyang dala-dala sa court sa Kingdom Elite Invitational Basketball Camp kabisig ang MILO Philippines.
Sa edad niya ngayong 22 at naglalaro sa Gilas Women sa Jones Cup, ibinahagi ni Fajardo ang mga pagsubok na kanyang nalampasan upang maabot ang paglalaro sa pandaigdigang mga torneo, mula sa hindi napapansin ng coaches, hanggang sa mailinya sa mga university players, pinatunayan niyang ang mga bituin na tulad niya ay naglaro mula sa madilim na bahagi ng buhay bago kuminang ang karera.
“Nagdaan din ako sa pinakamalungkot na buhay where I felt that I wasn’t good enough, but through hard work and prayers, I found the strength to keep going and prove myself,” ani Fajardo.
Nagbigay inspirasyon sa lakbay ng kanyang piniling palakasan mula pa sa Milo Best Center clinics, isa na si Fajardo sa nagbabahagi ng kanyang kahusayan sa halos 100 aspiring female basketball players. Nagturo siya sa youth athletes ball-handling, layup drills, at defensive techniques, habang tutok din sa pagtuturo ng core values tulad ng sipag, disiplina at teamwork.
“This camp is my way of giving back to the community that shaped me. I wanted to create an eventwhere young girls can learn the game, build their confidence, and experience the same joy I felt when I was starting out,” aniya.
Isa sa campers ang 12-anyos na si Regina ng La Salle Antipolo, aniya malaki ang nagagawa ng camp upang mas mamotiba pa siya na mangarap ng matayog pa. “Coach Ella is an inspiration to me. Because of this camp, I am inspired to become better and to reach my dreams of becoming a national athlete for the Gilas team.”










Comments