top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Gilas, palit-coach, nagka-gold, P-BBM, magpalit na rin ng economic team para 'Pinas, umasenso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | October 08, 2023


ECONOMIC TEAM NG MARCOS ADMIN DAPAT PALITAN NI P-BBM PARA UMASENSO ANG ‘PINAS -- Nagpalit lang ng team coach, umalagwa at nagka-gold medal na ang Gilas Pilipinas sa Asian Games.


Sana, palitan naman ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ang economic team ng kanyang administrasyon at baka sakaling makaalagwa o makaahon na sa kahirapan ang mga Pinoy sa Pilipinas, boom!

◘◘◘


MGA RE-ELEKSYONISTANG SENADOR NA PRO-CONFI FUNDS, IBASURA SA 2025 ELECTIONS -- Kung ang mga kongresista ay nagkakaisa nang tanggalan ng confidential funds ang mga ahensyang pinamumunuan ng mga trapo (traditional politicians), ay may ilang senador naman ang pabor na bigyan ng “confi funds” ang mga tanggapan ng mga trapo.


Re-electionist for senators sa 2025 elections ang ilan sa mga senador na pabor na bigyan ng “confi funds” ang mga opisina ng mga trapo, kaya’t ang dapat gawin ng mamamayan, ibasura sa halalang 2025 ang mga re-eleksyonistang mga senador na ito, period!

◘◘◘


DAGDAG-PASAHE GOOD NEWS SA MGA JEEPNEY DRIVERS, BAD NEWS SA MGA PASAHERO -- Aprub na sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P1 dagdag-pasahe sa kada apat na kilometrong biyahe ng mga jeepney drivers at ipaiiral na ito ngayong araw October 8.


Good news ‘yan sa mga tsuper ng jeepney kasi nga sobrang mahal na ng krudo ngayon, pero para sa mga pasahero ay bad news ‘yan, kasi nga naman, ang taas na ng presyo ng mga bilihin, tapos nagtaas pa sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep, tsk!


◘◘◘


MAR ROXAS, MAGKAKAPUWESTO SA MARCOS ADMIN? -- Dumalo si former Sen. Mar Roxas sa event na kung saan namigay si P-BBM ng mga kumpiskadong smuggled rice sa mga mahihirap na residente ng Capiz, at sa mga larawan ay makikitang masayang nag-uusap ang presidente at dating senador. At sa interview ay sinabi ng Pangulo na matagal na niyang kaibigan si Mar, nagkataon lang daw na magkaiba sila ng partido-pulitikal.


At dahil d’yan ay umugong na naman ang balitang baka bigyan ng puwesto ni P-BBM sa kanyang administrasyon si Mar. Abangan!




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page