GF ng aktor, nag-post na give up na raw… JOHN LLOYD AT ISABEL, KALAT NA BREAK NA
- BULGAR

- Jun 19
- 2 min read
ni Evy (OJT) @Special Article | June 19, 2026

Photo: File / Isabel Santos at John Lloyd Cruz - IG
Naiintriga ang mga netizens tungkol sa estado ng relasyon ngayon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos matapos magbahagi ang visual artist ng sunud-sunod na cryptic posts bago biglang nag-deactivate ng Instagram account.
Sa isa niyang post, mababasa ang mensaheng: “I GIVE UP. Birthdays are just a day in a year you are forced to feel something.”
Dagdag pa niya, hindi umano naging maganda ang kanyang birthdays sa loob ng mahigit anim na taon.
Lalong naging usap-usapan ang kanyang posts nang magbahagi siya ng larawan na may linyang: “Men don’t protect you anymore,” na nilagyan niya pa ng caption na, “They follow the money.”
Nag-post din siya ng mensahe para sa sarili bago tuluyang mawala online.
“Happy birthday week, Isabel Santos. This year your task is to believe in the promise of your own life. Say no to sh*t you hate.”
Dahil dito, marami ang napaisip kung may koneksiyon ba ang mga cryptic posts sa personal na buhay ni Isabel, kabilang na ang relasyon niya kay John Lloyd?
Meron namang ilan na nagsasabing baka birthday blues lang ang nararanasan ni Isabel.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang kampo ng dalawa tungkol sa isyu.
Nagsalita na si Rhen Escaño kaugnay sa kumakalat na espekulasyon na umano’y may tampuhan sila ng ka-loveteam at My Husband Is A Mafia Boss co-star niyang si Joseph Marco.
MAY mga fans na nakapansing nawala ang matching profile picture nina Rhen Escaño at Joseph Marco matapos magpalit ang aktres ng profile picture sa Instagram.
Mas na-curious ang mga fans nang kumalat ang balitang may non-showbiz girlfriend na umano si Joseph at fan service lang ang pahayag nitong single siya.
Dahil dito, nadismaya ang kanilang mga fans ni Rhen, lalo na ang RhenSeph supporters, dahil ongoing pa ang kanilang TV series sa Viva app.
Sa gitna ng isyu, nilinaw ni Rhen ang kanyang panig.
“I’m doing my part. I’m trying my best. But I can’t control other things. I’m sorry,” ani ng aktres.
Dagdag pa niya, “Wala pa kasi kaming schedule na magkasama. Kalmahan n’yo lang.”
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Joseph tungkol sa isyu.





Comments