GF, atras nang umarte… IBINULGAR NI DEREK: ANDREA, NA-DEPRESSED
- BULGAR

- Oct 3, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 3, 2020

Sayang at hindi na na-interview via Zoom ang cast ng The Promise, ang second installment ng mini-series na I Can See You. Hindi na natanong si Andrea Torres sa nabanggit ng BF niyang si Derek Ramsay na nakaranas ng depression ang Kapuso actress after the four-day lock-in taping.
Dahil daw sa naranasang depression, nag-decide si Andrea na hindi na muna tatanggap ng trabaho hanggang end of the year o hanggang maka-adjust sa “new normal” setup ng taping.
So, bale ang The Promise na muna ang last project niya sa GMA-7. O, baka naman magbago pa ang isip nito dahil ang ibang artista, naghahanap ng trabaho sa panahon ng pandemic, pero si Andrea ay ayaw munang magtrabaho?
Anyway, sa Monday na, 9:15 PM, magsisimula ang airing ng The Promise kung saan kasama ni Andrea sina Yasmien Kurdi, Benjamin Alves at Paolo Contis. Ang ganda ng location na napili ni Director Zig Dulay at maganda pa ang story ng episode, kaya worth watching.
Samantala, katatapos lang ng birthday ng mom ni Andrea na ang party ay ginanap sa bahay ni Derek sa Ayala, Alabang. Bukod sa birthday cake, ang paggupit sa buhok ng ina ang isa pang birthday gift dito ni Andrea. Sabi ni Andrea, okay naman ang kinalabasan ng haircut ng ina at parang uulit pa itong magpagupit sa kanya.





Comments