top of page
Gary V. - IG.jpg

Germany kampeon sa 2023 FIBA World Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2023
1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 10, 2023




Kinumpleto ng Alemanya ang ginintuang pagwalis ng 2023 FIBA World Cup sa mahigpitang 83-77 panalo laban sa Serbia, Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena.


Ipinasok ni Dennis Schroder ang huling limang puntos sa ng mga kampeon sa huling minuto at mapiling Most Valuable Player.


Nagbanta ang Serbia sa dalawang free throw ni Marko Guduric, 77-79, at 39 segundo sa orasan. Sinagot ito ng buslo na Schroder, 81-77, at hindi na naka-shot ang Serbia kaya napilitan bigyan ng foul si Schroder na sinelyuhan ang kampeonato sa dalawang free throw na may 12 segundong nalalabi.


Nagbago ang timpla ng laro sa third quarter kung saan bumuhos ng 22 ang Alemanya kumpara sa 10 lang ng Serbia at itayo ang pinakamalaking bentahe 69-57 sa shoot ni Moritz Wagner. Pang-MVP talaga ang numero ni Schroder na 28 puntos habang 19 si Franz Wagner.


Binuhay ni Avramovic ang Serbia sa kanyang 21 puntos subalit kinapos. Nag-ambag ng 17 puntos si Bogdan Bogdanovic.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page